Ogie Diaz, 2022 pa nang huli silang mag-usap ni Liza Soberano

Ogie Diaz, 2022 pa nang huli silang mag-usap ni Liza Soberano

- Nakapanayam nina Christine Bersola- Babao at Julius Babao si Ogie Diaz kaugnay sa kontrobersyal na video ni Liza Soberano

- Natanong nila si Ogie kung nagkausap na ba ulit sila ng dating alaga na si Liza Soberano

- Ito ay matapos ang mga nasabi ni Liza sa kanyang 'This is me' video na labis na pinag-usapan ng marami

- Gayunpaman, sa naturang interview, nilinaw ni Ogie Diaz na wala umano siyang galit sa dati niyang alaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam sa kanya nina Christine at Julius Babao, natanong si Ogie kung nakausap na niya ang dati niyang alagang si Liza Soberano.

Ogie Diaz, 2022 pa nang huli silang mag-usap ni Liza Soberano
Ogie Diaz
Source: Facebook

Ito ay matapos na ilabas ang kontrobersyal na 'This is Me' video kung saan inilahad niya ang kanyang saloobin kung paano siya naging namuhay bilang Liza Soberano.

Read also

Cristy Fermin, naikumpara si Liza Soberano kay Sandara Park

"Ang huling pag-uusap namin ay yung naghiwalay na kami ng maayos, in fairness naman," ani Ogie. Ito ay naganap pa noong nakaraang taon, 2022 kung saan nag-expire na at hindi na ni-renew pa ang koontrata bilang talent ni Ogie noong May 31.

"Hindi rin naman ako nag-eexpect... Kung ano lang ang dumating, e di siyang tatanggapin. Kung hindi darating, tanggapin mo rin na hindi siya darating," dagdag pa ni Ogie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa naturang interview rin, nilinaw ni Ogie na hindi siya galit umano sa dating alaga taliwas sa inaakala ng marami.

"Hindi ako galit kay Liza. At anytime na gusto niya akong tawagan, gusto niyang humingi ng payo sa akin whatever, bukas ako sa kanya kasi malaki rin ang utang na loob ko sa batang 'yan.Hindi ako na-offend, Nalungkot lang ako. Nakakalungkot lang din naman 'yun,"

Read also

Cristy Fermin kay Liza Soberano: "Itong vlog niyang ito ang nakasira sa kanya"

"Pero'nung naghiwalay kami ni Liza, in fairness naman maayos. Maayos kaming naghiwalay at nagpaalaman, nagkita in person."

Dahil kilala niya umano ang dating talent, isa rin sa iginiit ni Ogie na lubos niyang nauunawaan si Liza sa paghahayag nito ng kung ano man ang kanyang nararamdaman.

"Gano'n si Liza e. Parang she speaks her heart. Ako, naiintindihan ko siya sa aspeto na 'yun."

Narito ang kabuuan ng panayam kay Ogie mula sa Julius Babao Unplugged YouTube channel:

Naging kontrobersyal ang inilabas na video ni Liza Soberano sa kanyang YouTube channel kamakailan. Ito ay upang ibulalas niya ang sarili sa kung ano na nga ba ang nangyayari at nangyari sa kanya buhat nang mapasailalim siya sa management na kinabibilangan ng grupo ni James Reid.

Kaugnay nito, minsan na ring nabanggit ng dati niyang manager na si Ogie Diaz ang labis na panghihinayang sa naiwang career ni Liza sa Pilipinas. Nasabi rin niyang hindi umano nawalan ng nakahaing proyekto ang ABS-CBN sa tambalang 'Lizquen' subalit ang dalawa na mismo ang hindi nag-aapruba sa mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel