Dating Senate President Tito Sotto, nag-post ng picture kasama si Tony Tuviera
- Nag-post si dating Sen. Tito Sotto ng picture kasama si Tony Tuviera kasunod ng paglabas ng isyu kaugnay sa rebranding umano ng 'Eat Bulaga'
- Sa kanyang post ay pinabulaanan niya na maghihiwalay na sila ng landas ng dating chairman ng TAPE na si Tony Tuviera
- Napabalita nga na hindi na si Tuviera ang chairman ng TAPE kundi si Romeo Jalosjos, Jr. na
- Inaabangan naman ng publiko ang ilalabas na pahayag ng TAPE at ng 'Eat Bulaga' tungkol sa lumabas na balita
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagbahagi si dating Sen. Tito Sotto ng makahulugang pahayag sa gitna ng isyu ng rebranding ng Eat Bulaga. Sa kanyang post ay pinabulaanan niya na maghihiwalay na sila ng landas ng dating chairman ng TAPE na si Tony Tuviera.
Lumabas na nga ang balitang hindi na si Tuviera ang chairman ng TAPE kundi si Romeo Jalosjos, Jr. na. Gayunpaman, karamihan sa mga netizens ay nakikisimpatya sa orihinal na hosts ng Eat Bulaga na sina Tito Vic at Joey.
Ang Eat Bulaga! ay isang noontime show na umi-ere sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer ng naturang show na pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979. Sa kasalukuyan sina Tito Sotto, Vic Sotto, de Leon, Jose Manalo, Allan K., Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Pauleen Luna, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Maine Mendoza, Maja Salvador, Miles Ocampo, Ruru Madrid, Bianca Umali at Carren Eistrup ang host ng naturang noontime show.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa gitna naman ng mga isyung naglalabasan kaugnay sa umano'y problema sa TAPE Inc, agaw-pansin sa netizens ang post ni Joey sa kanyang Instagram. Nag-post siya ng screenshot ng isang article patungkol dito. Aniya, natatawa at natutuwa siya dahil hanggang sa kasalukuyan ay pinag-uusapan pa rin sila.
Kamakailan ay kinanta nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) ang theme song ng Eat Bulaga nitong Sabado. Sa gitna ng isyu kaugnay sa umano'y magaganap na rebranding sa noontime show ay may makahulugang mensahe si dating Sen. Tito. Nilinaw niya lalo na sa mga bata na si Vic umano ang nag-compose ng kantang ‘Eat Bulaga’ at ang nag-imbento ng salitang ‘Eat Bulaga’ ay si Joey. Marami naman sa tagapanuod at tagasubaybay ng Eat Bulaga ang naghayag ng kanilang suporta lalo na sa mga Dabarkads na kinabilangan ng iconic trio.
Source: KAMI.com.gh