Brenda Mage, pinakilala si Bryan Roy Tagarao sa kanyang ika-34 na kaarawan

Brenda Mage, pinakilala si Bryan Roy Tagarao sa kanyang ika-34 na kaarawan

- Ibinahagi ni Brenda Mage ang kanyang picture noong mas bata pa siya upang batiin ang sarili sa kanyang ika-34 na kaarawan

- Pinakilala niya sa publiko si Bryan Roy Tagarao na tila kuha sa kanilang year book noong nag-aaral pa lang siya

- Inilagay niya din ang palayaw niyang Langgong at Ramram sa naturang Facebook post niya

- Matatandaang sumikat si Brenda nang sumali siya sa Miss Q & A sa 'It's Showtime' at kinalaunan ay naging bahagi ng 'Pinoy Big Brother'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpost si Brenda Mage ng pagbati para sa sarili niya sa kanyang ika-34 na kaarawan. Sa kanyang post ay ipinakilala niya sa madla si Bryan Roy Tagarao.

Brenda Mage, pinakilala si Bryan Roy Tagarao sa kanyang kanyang ika-34 na kaarawan
Brenda Mage, pinakilala si Bryan Roy Tagarao sa kanyang kanyang ika-34 na kaarawan (facebook.com/BrendaMageOfficial)
Source: Facebook

Inilagay niya din ang palayaw niyang Langgong at Ramram sa naturang Facebook post niya.

Read also

Dahlia Heussaff, kinaaliwan sa kanyang “I’m so tall naman” video

Happy Birthday Langgong/Ramram Bryan Roy Tagarao aka Brenda Mage

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami naman ang bumati sa kanya kabilang na si Karla Estrada at ang kanyang mga followers at tagasuporta.

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Sa naunang ulat ng KAMI, binigyan ni Brenda ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa isang Facebook post ay binahagi niya ang pictures ng boyfriend at pabirong pinahagingan ang aniya'y mga "Marites." Nilinaw niyang binahaginan lamang niya ang boyfriend ng kinita ng kanyang vlog kung saan pumunta siya sa bahay nito. Matatandaang kamakailan lang ay diretsahan ding binuweltahan ni Brenda ang mga bashers niya na nagsasabing pera lang ang habol sa kanya ng boyfriend.

Read also

Freddie Aguilar, ibinahagi ang kanyang pagkanta ng awitin niyang "Anak"

Binahagi ni Brenda ang kanyang susunod na ipapagawa matapos ang pinagawa niyang bahay niya sa kanilang probinsiya. Aniya, dahil natapos na ang bahay niya at ng kanilang mama, ipapagawa niya na rin ang bahay ng kanyang ate. Pagkatapos umano ang bahay ng ate niya ay isusunod niyang papaayos ang bahay ng isa pang kapatid niya na lalaki. Pabiro pa nitong siningil ang aniya'y may utang sa kanya para aniya ay pangdagdag lang sa pagpapagawa niya ng bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel