Liza, ibinunyag na si Enrique sana at 'di si Alden ang nasa Hello Love Goodbye

Liza, ibinunyag na si Enrique sana at 'di si Alden ang nasa Hello Love Goodbye

- Isa sa mga naikwento ni Liza Soberano sa panayam sa kanya ni Bea Alonzo ay ang tungkol sa pelikulang Hello, Love, Goodbye

- Aniya, sila sana ni Enrique ang gaganap sa karakter na napunta kina Kathryn Bernardo at Alden Richards

- Hanggang sa nabalitaan niyang muntik pang mapunta ang role ni Alden kay Enrique bilang katambal ni Kathryn

- Aminado siyang gustong-gusto niya sanang gawin ang naturang pelikula subalit hindi na nga ito napunta pa sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kumasa si Liza Soberano sa Lie Detector test challenge ni Bea Alonzo sa kanya at isa nga sa natanong sa kanya ay ang tungkol sa love team nila ni Enrique "Quen" Gil.

Liza Soberano, ibinunyag na si Enrique ang itatambal sana kay Kathryn sa Hello Love Goodbye
Liza Soberano (Bea Alonzo YouTube channel)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na isa sa nabanggit niya tungkol dito ay ang pelikulang Hello Love Goodbye na sila sana ang magbibida ni Quen.

Read also

Liza Soberano, pinuri si Jane de Leon sa pagganap bilang Darna: "I'm supportive of it"

"At the time that when I was in a love team, hindi ko naisip na problema siya. Actually, 'yung Hello, Love, Goodbye ni Kathryn and Alden was actually offered to Quen and I first," ang unang rebelasyon ni Liza tungkol sa pelikulang pumatok talaga sa takilya.

Subalit hindi nila ito nakuha dahil sa proyektong una nang naka-line up sa kanila ni Quen. Hanggang sa nabalitaan na lang niyang inaalok na ito kay Kathryn at si Quen ang itatambal sana at hindi si Alden.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Tapos, when we're doing Bagani, nabalitaan ko that... At first they offered it to Kathryn and Quen. And that scared the sh*t out of me. I was like, why would they do that? I asked them to save the project for me and Quen, parang please wait for us," pahayag pa ni Liza.

Read also

Liza Soberano, nilinaw na 'di pa rin iiwan ang showbiz career sa Pilipinas

Inakala nilang mahihintay pa umano sila ng pelikula gayung dini-develop pa raw umano ang kwento nito. Hanggang sa tuluyan na raw itong napunta kina Kathryn at Alden.

Subalit ang pangyayaring ito umano ang isa sa mga nakapagpa-realize sa kanya na marami siyang hindi nagawa bilang aktres dahil siya'y nakakahon lang umano sa isang love team.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa YouTube channel ni Bea Alonzo:

Naging kontrobersyal ang inilabas na video ni Liza Soberano sa kanyang YouTube channel kamakailan. Ito ay upang ibulalas niya ang sarili sa kung ano na nga ba ang nangyayari at nangyari sa kanya buhat nang mapasailalim siya sa management na kinabibilangan ng grupo ni James Reid.

Kaugnay nito, minsan na ring nabanggit ng dati niyang manager na si Ogie Diaz ang labis na panghihinayang sa naiwang career ni Liza sa Pilipinas. Nasabi rin niyang hindi umano nawalan ng nakahaing proyekto ang ABS-CBN sa tambalang 'Lizquen' subalit ang dalawa na mismo ang hindi nag-aapruba sa mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica