Cristy Fermin, sinabing napag-iwanan na umano si Liza nina Kathryn at Nadine

Cristy Fermin, sinabing napag-iwanan na umano si Liza nina Kathryn at Nadine

- Nasabi ni Cristy Fermin na napag-iwanan na umano si Liza Soberano, Kathryn Bernardo at Nadine Lustre

- Aniya, hindi na raw naabot ni Liza ang kung anoman ang narating na kasikatan nina Kathryn at Nadine

- Si Kathryn ay naipareha sa iba at patuloy na kumita ang naturang pelikula sa takilya

- Habang si Nadine naman ay nanalo bilang best actress at isa sa top-grosser ang kanyang pelikula sa MMFF 2022

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napag-iwanan na raw talaga nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre si Liza Soberano ayon kay Cristy Fermin.

Cristy Fermin, sinabing napag-iwanan na umano si Liza nina Kathryn at Nadine
Nadine Lustre, Kathryn Bernardo and Liza Soberano (ABS-CBN Entertainment)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa tinalakay nila nina Romel Chika at Wendell Alvarez sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na!

Ani Cristy, hindi raw naabot ni Liza ang narating tagumpay na tinamasa nina Kathryn at Nadine.

Read also

Dahlia Heussaff, kinaaliwan sa kanyang “I’m so tall naman” video

"Napag-iwanan na talaga si Liza Soberano, may resibo na talaga. Hindi inabot ni Liza ang kasikatan ni Kathryn Bernardo."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kaya wag sasabihin na si Kathryn ay kalaban ni Liza Soberano, napakalayo. Ang layo-layo."

Isa sa maituturing na patunay ng tagumpay ni Kathryn ay nang ipareha siya kay Alden Richards sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Masasabing matagumpay ang pelikulang ito na kahit ito ang unang beses na magkapareha ang dalawa na may kanya-kanyang love team, marami pa rin ang tumangkilik sa kanila. Isa na marahil dito ay ang husay sa pag-arte nina Kathryn at Alden.

Samantala, si Nadine Lustre naman ay hinirang na best actress sa kanyang pelikulang Deleter na tumabo rin sa takilya sa MMFF 2022.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy, Rommel at Wendell mula sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na!

Read also

Dating Senate President Tito Sotto, nag-post ng picture kasama si Tony Tuviera

Patuloy na namamayagpag ng kilala at batikang showbiz writer at reporter sa bansa na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at mga latest isyu sa entertainment scene sa Pilipinas.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Samantala, kamakailan lang ay nabanggit din ni Cristy ang umano'y epekto ng paglalabas ni Liza ng kontrobersyal nitong vlog na 'This is me.' Ayon kay Cristy, maganda na sana ang pag-alis ni Liza sa showbiz industry ng bansa gayundin ang pagtatapos ng kontrata nito sa dating manager na si Ogie Diaz, subalit gumulo lang at gumawa talaga ng ingay dahil umano sa naturang video.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel