Maegan Aguilar, tinanggalan ng karapatan ng pamilya sa kanyang bangkay
- Inihayag ni Maegan Aguilar ang kanyang saloobin matapos ang paglabas ng resulta ng ginawang test sa kanya sa programa ni Sen. Raffy Tulfo
- Sa kanyang mga live video sa Facebook ay makikita siyang naglalakad at emosyonal
- Aniya, naghahanap lamang siya ng mataas na gusali para daw matapos na ang lahat
- Sa isang post niya ay sinabi niyang tinatanggalan niya ng karapatan ang kanyang kaanak na lumapit o humawak sa kanyang labi
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Emosyonal si Maegan Aguilar matapos ang paglabas ng resulta ng ginawang test sa kanya sa programa ni Sen. Raffy Tulfo. Sa isang post niya ay sinabi niyang tinatanggalan niya ng karapatan ang kanyang kaanak na lumapit o humawak sa kanyang bangkay.
I am forbidding & removing all legal/illegal authority from my parents, siblings and the rest of my bloodline to go near & touch my corpse just to manipulate my situation to their fcked up advantage all over again. Strangers can pick up my body & use my flesh at IPAKAIN ito to poison Freddie Pascual Aguilar & Josephine Ponce Queipo-my biological mother that was included in the drug raid in Forbes Park Makati noon. My mom & my brothers are thr real SPAWNS IF SATAN involved in SH*BU. Look them up.
Bago itong post niyang ito ay naglabas siya ng saloobin sa pamamagitan ng isang live video kung saan makikita siyang naglalakad sa lansangan. Aniya, naghahanap lamang siya ng mataas na gusali para daw matapos na ang lahat.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Maegan Aguilar ay pangalawa sa limang mga anak ni Freddie Aguilar at ang unang sumunod sa yapak ng kanilang ama pagdating sa hilig sa musika. Si Ka Freddie o Ferdinand Pascual Aguilar sa totoong buhay ay isang kilalang Pinoy folk musician na nakilala sa kanyang awiting "Bayan Ko" at "Anak." Nagsimula siyang magtanghal sa publiko noong 1973 nang makapagtrabaho siya sa Hobbit House sa Ermita, Manila. Matatandaang taong 2018 nang matupok ng apoy ang bahay nina Freddie sa Quezon City. Nakaligtas naman ang kanyang pamilya sa naturang sunog.
Ikinasal siya sa unang asawa na si Josephine Queipo noong 1978 at nabiyayaan sila ng apat na anak. Sila ay sina Maegan, Jonan, Isabella, at Jeriko. Isinapubliko ng mang-aawit ang kanyang relasyon sa kasalukuyang asawa noong October 17, 2013. Ikinasal sila ni Jovi Gatdula Albao noong November 22, 2013 sa Islamic rites sa Buluan, Maguindanao.
Kamakailan ay isang nakakatuwang anniversary message ang binahagi ng maybahay ni Ka Freddie sa kanilang pagdiriwang ng kanilang ika-9 na taong pagsasama. Nagbalik-tanaw ang asawa ni Ka Freddie na si Jovie sa araw kung kailan niya sinagot si Ka Freddie at aniya ay hindi naging mabait sa kanya ang mundo noong siya ang piniling mahalin nito. Gayunpaman aniya ay naging mabait sa kanya ang Panginoon at kung bibigyan umano siya ng pagkakataon na bumalik sa umpisa ay si Ka Freddie pa rin ang pipiliin niya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh