Toni Fowler, hindi makikisali sa gulo nina Rosmar Tan at Zeinab Harake

Toni Fowler, hindi makikisali sa gulo nina Rosmar Tan at Zeinab Harake

- Nilinaw ni Toni Fowler na hindi siya makikisali sa isyu nina Rosmar Tan at Zeinab Harake

- Kaya lamang daw siya nagsalita dahil marami ang nagta-tag sa kanya at naibahagi din ni Rosmar ang screenshot ng kanilang pag-uusap

- Nauna na umanong naipayo ni Toni kay Rosmar na mas magandang magkabati na sila

- Idiniin niyang hinding-hindi mangyayari ang gusto ng mga taong pinagsasabong sila nina Zeinab

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay Toni Fowler, wala ding magandang maidudulot kung magsasalita siya para ipagtanggol si Rosmar Tan dahil aniya ay wala naman siyang kinalaman sa gulo nila. Nauna na umanong naipayo ni Toni kay Rosmar na mas magandang magkabati na sila.

Toni Fowler, hindi makikisali sa gulo nina Rosmar Tan at Zeinab Harake
Toni Fowler, hindi makikisali sa gulo nina Rosmar Tan at Zeinab Harake (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Ani Toni, kaya lamang siya nagsasalita ay dahil marami ang nag-tatag sa kanya sa post ni Rosmar at mukha siyang nakikisali sa gulo.

Read also

Cristy Fermin kay Liza Soberano: "Itong vlog niyang ito ang nakasira sa kanya"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dagdag pa niya, kung inaakala ng mga tao na makikipag-away siya sa mga taong tumatawa kay Rosmar, hindi umano mangyayari yun. Aniya, basta huwag siyang kantiin ay hindi siya makikisali.

“Kung ine-expect nyo na makikipag-away ako sa kung kani-kaninong tumatawa sa kanya, hindi po mangyayari yun.”

Kabilang si Toni sa mga nag-perform sa katatapos lang na concert para sa skin care brand ni Rosmar.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Aljur Abrenica, gustong makilala ang bagong partner umano ni Kylie Padilla

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel