Rosmar Tan, kinuwentong humingi ng tulong sa kanya ang tita ni Rabiya Mateo

Rosmar Tan, kinuwentong humingi ng tulong sa kanya ang tita ni Rabiya Mateo

- Ibinahagi ni Rosmar Tan na isang taon umano ang nakakaraan nang humingi ng tulong ang tita ni Rabiya Mateo sa kanya

- Ito umano ay para makatulong sa kasikatan ni Rabiya at kinapanayam niya ang ina ng beauty queen

- Aniya, sinabi daw sa kanya na kailangan ng suporta ni Rabiya kaya hindi siya nagdalawang isip na tumulong ng walang kapalit

- Nag-post si Rosmar ng link ng kanyang panayam sa mama ni Rabiya kasunod ng pag-post niya ng screenshot ng reaksiyon nito sa pinagtabing picture nina Rosmar at Glenda Victorio

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalala ni Rosmar Tan ang paghingi ng tulong sa kanya ng tita ni Rabiya Mateo isang taon na ang nakakalipas. Ito umano ay para pasikatin si Rabiya nang lumaban ito sa Miss Universe.

Read also

Cristy Fermin kay Liza Soberano: "Itong vlog niyang ito ang nakasira sa kanya"

Rosmar Tan, kinuwentong humingi ng tulong sa kanya ang tita ni Rabiya Mateo
Rosmar Tan, kinuwentong humingi ng tulong sa kanya ang tita ni Rabiya Mateo (@rabiyamateo)
Source: Instagram

Ani Rosmar, hindi siya nagdalawang isip na tumulong ng walang kapalit dahil sinabi daw sa kanya na kailangan ng suporta ni Rabiya.

Matatandaang sa naunang post ni Rosmar ay kabilang si Rabiya sa nag-react sa picture nina Rosmar at ng Brilliant Skin CEO na si Glenda Victorio suot ang halos magkaparehas na design ng gown na kuha sa ginanap na concert para sa kani-kanilang skin care brand.

Kabilang si Rabiya sa endorser ng Brilliant Skin at isa din siya sa mga nag-perform sa concert ng naturang brand.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa lungsod ng Iloilo City sa Miss Universe Philippines pageant na ginanap noong October 24, 2020. Isa si Rabiya sa mga kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.

Read also

Aljur Abrenica, gustong makilala ang bagong partner umano ni Kylie Padilla

Matatandaang isang cryptic post ang binahagi ni Rabiya sa kanyang Instagram post na talaga namang naging usap-usapan. Hindi na nito binanggit kung ano ang kanyang pinagdadaanan ngunit bumuhos ang mensahe ng pagsuporta sa kanya. Sa isa sa kanyang sagot sa mga mensahe sa kanya, sinabi niyang kailangan niya ng virtual hug. Matatandaang kamakailan lang inamin nina Rabiya at ng kanyang boyfriend na si Jeric Gonzales ang tungkol sa kanilang relasyon.

Samantala, ikinuwento ni Cristy Fermin ang tungkol sa aniya'y naging relasyon ni Jeric sa isang mayamang businessman na aniya'y "trinabaho" nang husto ng aktor. Pinaalis umano ng asawa ng businessman sina Jeric kasama ang kanyang pamilya na nakatira sa isang bahay ng mag-asawa. Ani Nay Cristy, alam niyang may tampo si Jeric sa kanya ngunit mas gugustuhin umano niyang magalit sa kanya si Jeric dahil hindi niya pinaniniwalaan ang umano'y 'kasinungalingan' nito. Matatandaang kamakailan ay may mga malisyosong mga litrato ang aktor kung saan may kasama siyang isang lalaki.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel