Ogie Diaz sa 'This is Me' video ni Liza Soberano: "Anak, lagi kang binibigyan ng chance"

Ogie Diaz sa 'This is Me' video ni Liza Soberano: "Anak, lagi kang binibigyan ng chance"

- Nagbigay na ng pahayag si Ogie Diaz kaugnay sa 'This is Me' video ni Liza Soberano

- Ipinaalala ni Ogie kay Liza na ang screen name nitong Liza Soberano ang siyang nagtaguyod sa sariling pamilya ng aktres

- Nilinaw niyang binibigyan din umano nila ng pagkakataong magsalita si Liza sa kung ano ang nais at hindi nais nito sa kanyang mga proyekto noon

- Gayunpaman, hangad pa rin umano ni Ogie na manumbalik ang kinang sa career ni Liza

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isang araw matapos na ilabas ni Liza Soberano ang kanyang bagong video sa kanyang YouTube channel ay naglabas na rin ng saloobin si Ogie Diaz ukol dito.

Ogie Diaz sa 'This is Me' video ni Liza Soberano: "Anak, lagi kang binibigyan ng chance"
Liza Soberano at Ogie Diaz (Ogie Diaz)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na bilang dating manager ni Liza, hindi maiiwasang maiugnay si Ogie kay kontrobersyal na vlog ni Liza.

Read also

Xian Gaza to Ogie Diaz: "Ang nakikita lang nila ay yung 10-20% commission mo bilang manager"

"Kung sinasabi ni Liza na parang kino-control siya ng mga tao sa paligid niya, kung ako man yan o star magic, gusto kong magpasalamat kay Liza kasi sinunod niya kami Kaya siguro sumikat siya"
"Imaginin niyo ha, kung walang nangyari sa career ni Liza noong hawak ko siya at ng Star Magic, malamang iba ang narrative niya ngayon. At least okay na 'yan. Kaysa naman sa nagra-rant na walang nangyaring maganda sa career 'di ba?"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon pa kay Ogie, nabibigyan naman umano ng boses si Liza sa kung ano ang gusto at ayaw niya sa proyektong ginagawa o gagawin pa lamang niya.

"Anak, lagi kang binibigyan ng chance to say your piece, your opinion , your suggestion. Pinapakinggan ka din naman 'pag may complaints ka. Kaya lang minsan we have to meet half way?"

Read also

Ogie Diaz, hiling na muling magningning ang career ni Liza Soberano: "Wa Etchos!"

"Pinagbibigyan mo naman ang production kapag nilambing ka nila and I thank you for that. Pakikisama ang tawag 'don anak. Pagtatanim para in the future may aanihin. Hindi rin naman siguro ako magiging Ogie Diaz kung ako lang mag-isa. Nakisama, naki-PR din ako."

Gayunpaman, tulad ng mga nasabi ni Ogie sa nauna niyang interview, hangad pa rin niyang magningning muli ang career ng k

"Ito anak ah, wa etchos to. I wish you Good luck sa bagong bihis na Liza Soberano. Alam mo ito, lagi kong sinasabi kahit kanino. Malaki ang utang na loob ko sa'yo. Dahil ang mga kinita ko sa'yo bilang manager, ang pinambabayad ko sa hospitalization ng inaanak mong si Meera Khel noong 2017. Na six years old na siya ngayon."
"Noong naghiwalay tayo bilang manager talent, sabi ko sa'yo basta pag may concerns ka, problema o tanong ka nandito lang palagi ang tito Ogie mo. Maghihintay lang ng tawag o text mo."

Read also

Ogie Diaz sa kanyang bashers dahil sa bagong vlog ni Liza: "Baka kayo ang mamatay sa gutom"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag kay Liza:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Sa naturang episode ng Showbiz Update ni Ogie Diaz, nasabi niya kung gaano siya nasasaktan ngayong marami ang pumupuna kay Liza dahil sa mga ganap sa kanyang social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel