Ogie Diaz, hiling na muling magningning ang career ni Liza Soberano: "Wa Etchos!"

Ogie Diaz, hiling na muling magningning ang career ni Liza Soberano: "Wa Etchos!"

- Naglabas ng saloobin si Ogie Diaz patungkol sa inilabas na 'This is me video' ng dating alaga na si Liza Soberano

- Isa sa kanyang nasabi ang hiling na muling magningning ang career ni Liza

- Gayundin ang paalalang ang 'Liza Soberano' na banggit ng aktres na hindi siya ang pumili ay ang pangalang nakapagtaguyod sa kanyang pamilya

- Hindi pa rin umano mawawala si Ogie para kay Liza sakaling kailanganin siya ng dating alaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hiling pa rin ni Ogie Diaz na muling magningning ang career ng kanyang dating alaga na si Liza Soberano.

Ogie Diaz, hiling na muling magningning ang career ni Liza Soberano: "Wa Etchos!"
Ogie Diaz and Liza Soberano (Ogie Diaz)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bahagi ito ng kanyang pahayag patungkol sa 'This is me' video ni Liza.

"Siyempre ako bilang former manager... Buksan mo man ang puso ko 'yun ang laman na gusto kong mabalik si Liza. Gusto kong magningning ulit ang career niya. Alam ko kaya pa ni Liza. Alam ko may asim pa si Liza. Syempre, iniintay lang siya ng mga fans," ani Ogie.

Read also

Xian Gaza to Ogie Diaz: "Ang nakikita lang nila ay yung 10-20% commission mo bilang manager"

Muli rin niyang pinasalamatan si Liza na naging malaking bahagi sa pagiging isang malusog na bata ng bunsong anak ni Ogie na si Meera Khel.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ito anak ah, wa etchos to. I wish you Good luck sa bagong bihis na Liza Soberano. Alam mo ito, lagi kong sinasabi kahit kanino. Malaki ang utang na loob ko sa'yo. Dahil ang mga kinita ko sa'yo bilang manager, ang pinambabayad ko sa hospitalization ng inaanak mong si Meera Khel noong 2017. Na six years old na siya ngayon," saad ni Ogie.

Ani Ogie, naroon pa rin siya para sa dating alaga sakaling kailanganin siya nito.

"Noong naghiwalay tayo bilang manager talent, sabi ko sa'yo basta pag may concerns ka, problema o tanong ka nandito lang palagi ang tito Ogie mo. Maghihintay lang ng tawag o text mo," ang bahagi ng mensahe ni Ogie kay Liza.

Read also

Ogie Diaz sa kanyang bashers dahil sa bagong vlog ni Liza: "Baka kayo ang mamatay sa gutom"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie mula sa kanyang Ogie Diaz YouTube channel:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Minsan na ring nabanggit ni Ogie D ang labis na panghihinayang sa naiwang career ni Liza sa Pilipinas. Nasabi rin niyang labis hindi umano nawalan ng nakahaing proyekto ang ABS-CBN sa tambalang 'Lizquen' subalit ang dalawa na mismo ang hindi nag-aapruba sa mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel