Cristy Fermin: "Naaawa ako kay Liza Soberano pero ramdam ko si Ogie Diaz"

Cristy Fermin: "Naaawa ako kay Liza Soberano pero ramdam ko si Ogie Diaz"

- Ramdam umano ni Cristy Fermin ang mga naging pahayag ni Ogie Diaz sa patungkol sa dati nitong alaga na si Liza Soberano

- Bagama't naaawa umano si Cristy kay Liza, hindi mawawala ang pag-unawa naman nito kay Ogie bilang manager

- Inamin ni Cristy na isa umano siya sa mga nanghihinayang sa itinatakbo ngayon ng career ni Liza Soberano

- Lalo nang malaman niya, base na rin sa naging pahayag ni Ogie D na may mga naka-pitch sanang proyekto sa LizQuen na hindi lang inaprubahan ng dalawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ramdam umano ni Cristy Fermin ang umano'y naging pahayag ni Ogie Diaz ngayong muling napupukol ng intriga ang dati niyang alaga na si Liza Soberano.

Cristy Fermin: "Naaawa ako kay Liza Soberano pero ramdam ko si Ogie Diaz"
Ogie Diaz at Liza Soberano (Ogie Diaz)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nagbigay reaksyon si Cristy tungkol sa isang episode ng Showbiz Update ni Ogie Diaz tungkol sa mga naging kaganapan bago umalis si Liza patungong Amerika.

Read also

Cristy Fermin sa career ni Liza Soberano: "Maling atake, maling desisyon"

Isa na rito ang paglalahad ni Ogie nang mga umano'y na-pitch na mga proyekto ng ABS-CBN para sa tambalang LizQuen na hindi inaprubahan ng dalawa.

"Naaawa ako kay Liza Soberano pero ramdam ko si Ogie Diaz nung nagsalita siya na nanghihinayang ako kasi pinaghirapan naming lahat ito," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Hindi naman sumikat si Liza Soberano dahil lang sa kanyang ganda. Dahil sa kanyang pag-arte, kinailangan niya ng isang manager na magbebenta sa produktong ito para siya'y umangat," dagdag pa niya.

Naging kaagapay umano ni Liza ang dating manager na maging ang mga paninira sa kanya ay ito umano ang sumasangga.

"Ramdam na ramdam ko, tumatawid sa'kin si Ogie Diaz na ito 'yung obra maestra. Sama-sama natin itong pinaghihirapan. Lahat tayo ay naghirap para magtagumpay itong si Liza pero parang nabalewala lang," ang naging pahayag pa ni Cristy.

Read also

Ogie Diaz, pinuri si AJ Raval kung paano sumagot sa bashers

Narito ang kabuuang ng kanilang talakayan mula sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na!:

Patuloy na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Kamakailan, nabanggit na rin ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel na talagang marami na umanong nanghihinayang sa career ng kanyang dating alaga na si Liza Soberano. May ilang mga naka-pitch umanong proyekto pa sana ni Liza tulad ng Pinoy adaptation ng 'It's Okay not to be Okay' na hindi na raw umano inaprubahan ng tambalang Lizquen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel