Sharon, inaming halos 250 pounds siya noon: "Parang karumal-dumal na'to"

Sharon, inaming halos 250 pounds siya noon: "Parang karumal-dumal na'to"

- Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, inamin ni Sharon Cuneta na halos umabot sa 250 pounds ang timbang niya noon

- Aniya, hindi na talaga niya nasusuot ang ibang disenyo ng damit na nais niya

- Nilarawan niyang karumal-dumal na umano ang kanyang timbang kaya nagdesisyon na siyang mamuhay ng mas healthy

- Ngayon, nasa 70 hanggang 90 pounds na umano ang nawala sa kanya at patuloy pa rin ang kanyang disiplina sa pagkain

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta kung gaano kataas ang kanyang timbang noon.

Sharon, inaming halos 250 pounds ang timbang noon: "'Di mo nasusuot 'yung gusto mong damit"
Sharon Cuneta (Ogie Diaz Inspires channel)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, napag-usapan nila ang magandang pangangatawan ngayon ni Sharon.

Kaya naman hindi naiwasang mapag-usapan nila ang naging timbang ni Sharon bago ito magdesisyon na na magbawas ng timbang.

Read also

Ogie Diaz, aminadong nanghihinayang umano sa career ni Liza Soberano

"Alam mo pare I was about, ngayon ko lang sasabihin ah. Siguro konti nalang aabot na ako ng 250 pounds. That's the truth. 'Di naman 250 pero malapit na 'don e. So natakot na ako. Parang iba na 'to. Parang karumal-dumal na'to. Ayoko na kasi health 'yung priority," pag-amin ni Sharon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naikwento rin niya ang hirap noon sa pagpili ng mga damit na kanyang isusuot tuwing lalabas siya sa telebisyon. Hindi niya masuot ang nais niya dala na rin ng kanyang timbang.

"Bukod 'dun sa artista ka, nakakahiyang lumabas sa TV na hindi mo nasusuot 'yung gusto mong damit."
"Tapos 'yung pagkakakilala nila sa'yo kaya ka nila minahal. Kaya ka nila naging idolo kasi aspirational e, 'di ba?"

Dahil dito, inisip din niya ang kanyang mga fans na siya ang inspirasyon at hinahangaan.

Read also

Sharon Cuneta, aminadong nalungkot sa pag-unfollow ni KC kina Kiko at Frankie Pangilinan

"Parang I failed my Sharonians so I felt a lot of guilt. After all the gifts that God and my fans gave me,"
"After my health, 'yun ang kasunod. So talagang dinibdib ko lahat 'yun. Sabi ko, I'll start now. And I never stopped."

Sa ngayon, 70 hanggang 90 ang nawala kay Sharon mula sa dati niyang timbang na aabot na ng 250.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Inspires channel:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Sa naturang interview rin ni Ogie Diaz, napag-usapan nila sa mga meme kay Sharon sa mga handaan. Ito ay dahil sa awitin niyang 'Bituing walang ningning' na may linyang "balutin mo ako..." na akma umano sa mga nagti-take home ng pagkain sa handaan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica