Sharon Cuneta, natutuwa sa 'Sharon sa handaan' memes: "Ang cute naman, at least naalala ako"

Sharon Cuneta, natutuwa sa 'Sharon sa handaan' memes: "Ang cute naman, at least naalala ako"

- Natanong ni Ogie Diaz si Sharon Cuneta tungkol sa reaksyon nito sa "Sharon sa handaan" memes

- Taliwas sa inaakala ng ilan, isa rin ang Megastar na natutuwang makakita nito

- Nilarawan pa niya ang isang halimbawa nito kung saan mayroon pa talagang siyang larawan sa handaan at may ekis

- Siya mismo ang nagpaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng kanyang larawang iyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tuwang-tuwa si Sharon Cuneta tuwing makakakita ng "Sharon sa handaan" meme sa social media.

Sharon Cuneta, natutuwa sa "Sharon sa handaan" memes: "Ang cute naman, at least naalala ako"
Sharon Cuneta (Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga naitanong sa kanya ni Ogie Diaz at sa kauna-unahang pagkakataon, nalaman ng publiko ang reaksyon ng Megastar ukol dito.

"Tuwang-tuwa ako. Kasi siyempre minsan nadadaanan mo sa YouTube, TikTok o kaya sa Facebook 'yun mga may picture ko nasa buffet table tapos may ekis"

Read also

Ava Mendez: “Parang mas okay sa amin ang friendship kesa relationship”

"'Wag magsha-Sharon, ibigasabihin 'wag magbalot... tawang-tawa ako"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Na-touch ako. Ang cute naman at least naalala ako, di ba"

Habang ikinikwento nga ng Megastar ang tungkol sa mga meme na ito na kanyang nakikita, siya rin mismo ay tawa ng tawa.

Hango kasi ito sa awitin ni Sharon na 'Bituing walang ningning.' Mayroon kasing bahagi ang naturang kanta na "balutin mo ako..." na ang pakahulugan naman sa mga handaan ay ang pagti-take home o pagbabalot ng mga handa ng mga bisita.

Dahil dito, hindi na halos nawala sa eksena sa mga handaan ang kantang ito ng Megastar.

Samantala, narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na Ogie Diaz Inspires at Ogie Diaz Showbiz Updates dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Read also

Sharon Cuneta, aminadong nalungkot sa pag-unfollow ni KC kina Kiko at Frankie Pangilinan

Kamakailan nga ay labis na naging usap-usapan ang interview ni Ogie Diaz sa dating partner ni Carlo Aquino na si Trina Candaza. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naibulalas ni Trina ang kanyang saloobin sa hiwalayan nila noon ni Carlo na alam naman ng marami na hindi naging maayos. Magpasahanggang ngayon nga ay may ilang post si Trina na napansin ng netizens na tila patama sa umano'y kinahinatnan ng kanyang relasyon sa aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel