‘You Do Note’ girl Majo Lingat, binahagi ang picture nila ni Vice Ganda

‘You Do Note’ girl Majo Lingat, binahagi ang picture nila ni Vice Ganda

- Ibinahagi ni Majo Lingat o kilala din sa bansag na ‘You Do Note’ girl ang picture nila ni Vice Ganda

- Sa kanyang post ay pinakita niya ang picture nila na kuha noong 2019 at yung picture nilang nakuhanan ngayong taon

- Marami ang nagulat na parang ang bilis lang ng panahon at ngayon ay dalagita na si Majo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matatandaang nag-guest dati si Majo sa Gandang Gabi Vice kung saan nakasama niya ang Gold Squad na kinabibilangan nina Francine Diaz, Andrea Brillantes, Sethe Fedelin at Kyle Echarri

Nagbahagi si Majo Lingat o kilala din sa bansag na ‘You Do Note’ girl ang picture nila ni Vice Ganda. Sa kanyang post ay binahagi niya ang dalawang picture nila ni Vice Ganda na kuha noong 2019 at ngayong 2023.

Read also

Anne Curtis, binahagi ang 2012 vs 2024 picture niya suot ang parehas na shirt

‘You Do Note’ girl Majo Lingat, binahagi ang picture nila ni Vice Ganda
‘You Do Note’ girl Majo Lingat, binahagi ang picture nila ni Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Matatandaang taong 2019 nang mag-viral si Majo dahil sa kanyang video kung saan ginagaya niya ang pag-arte ng mga bida sa Kadenang Ginto. kasunod nito ay nag-guest dati si Majo sa Gandang Gabi Vice kung saan nakasama niya ang Gold Squad na kinabibilangan nina Francine Diaz, Andrea Brillantes, Sethe Fedelin at Kyle Echarri.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate