Cristy Fermin, sinabing nag-loyalty check umano si Willie Revillame sa kanyang mga empleyado

Cristy Fermin, sinabing nag-loyalty check umano si Willie Revillame sa kanyang mga empleyado

- Naibahagi ni Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! na naglo-loyalty check umano si Willie Revillame sa mga empleyado nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ito ay matapos na kumalat ang umano'y ilang issue sa loob ng produkyon ng kanyang programang Wowowin

- Ani Cristy, kusang dumarating ang umano'y mga pahayag mula sa mga dating nagtrabaho kay Willie

- Kaya naman ngayon, tila maingat na umano ito na baka mayroon paring mga naninira sa kanya sa loob ng kanyang produksyon

Nabahagi ni Cristy Fermin na naglo-loyalty check umano si Willie Revillame sa kanyang mga empleyado.

Cristy Fermin, sinabing nag-loyalty check umano si Willie Revillame sa kanyang mga empleyado
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga natalakay nina Cristy at Romel Chika at Wendell Alvarez matapos nilang isiwalat sa naunang mga episodes ng kanilang programang ang ilang mga isyu umano ukol kay Willie Revillame.

Read also

Cristy, kina Vice Governor Mark at Kris: "Nag-iimbita na naman kayo ng magkokomento"

"Naglo-loyalty check po ngayon si Willie Revillame sa kanyang mga tauhan. Sa kanyang staff," ani Cristy.

Inaaalam umano ni Willie kung nasa loob pa ba ng kanyang produksyon ang mga taong nagpapakalat ng isyu laban sa kanya.

Subalit sinasabi na ang mga nagpaparating sa kanya ng mga maituturing na pruweba ng mga umano'y ipinupukol ngayon kay Willie ay pawang mga napatalsik niya umanong empleyado.

"Ito yung mga taong naglingkod sa kanya dati na sa hindi inaasahang panahon ay pinalayas nga," saad ni Cristy
"Naipon ng naipon ang kanilang sentimyento kay Willie...Paano kung malalakas talaga ang loob ng mga taong ito na lumaban sa'yo?"

Gayunpaman, payo ni Cristy na magpakumbaba umano si Willie na tiyak namang mapapatawad agad ng mga taong maaring nasaktan nito.

"Minahal siya ng publiko bilang siya. Kapag siya ay nagpakumbaba, at inabot niya ang publiko iba ang lahi natin. Mapagpatawad ang mga Pilipino. Kapag nalaman na ng mga Pilipino na nagpapakumbaba at nakalapat na ulit ang dalawang paa sa lupa, walang kwestyon," paliwanag ni Cristy.

Read also

LJ Satterfield, nagsalita na; hiling pa rin na suportahan si Boy Tapang sa kabila ng isyu nila

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Patuloy na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Matatandaang isang audio recording ang inilabas ng Showbiz Now Na! tungkol sa isang male TV host na nagagawang murahin umano ang kanyang staff. Hindi man pangalanan, maraming netizens ang kumbinsido kung sino ang nasa likod ng boses sa recording.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel