Miles Ocampo, naikwentong 'batang Quiapo' ang pinakaunang role niya noong 2004
- Naikwento ni Miles Ocampo na batang Quiapo ang unang role niya sa teleserye noong 2004
- Ito ay sa seryeng 'Mangarap Ka' na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban
- Noon pa man, hinangaan na siya sa pag-arte sa pag-aakalang batang lalake siya
- Kamakailan ay nag-viral ang kahanga-hangang acting ni Miles sa pilot episode ng FPJ: Batang Quiapo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Isa sa mga naikwento ni Miles Ocampo sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano ay ang pinakaunang role niya sa telebisyon.
Nalaman ng KAMI na ito ay sa teleseryeng pinagbibidahan ni Piolo Pascual at Angelica Panganiban, ang 'Mangarap Ka' na naisa-ere noong 2004.
Kwento ni Miles, batang Quiapo ang role niya sa naturang serye.
"First show ko, 'Mangarap ka' which is sa Quiapo rin siya shinoot," pahayag ni Miles.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Aniya, pinagupitan pa umano siya ng buhok para lang umakma sa role dahilan para akalain na isa siyang batang lalake.
Maging ang mga staff at crew ng serye ay walang ideya na babae pala si Miles sa husay nito sa pag-arte sa kabila ng kanya noong murang edad.
Ngayon, balik Quiapo ni Miles sa teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.
Katunayan, labis-labis ang tinatamasa niyang papuri sa husay ng pagganap niya sa pilot episode pa lang ng FPJ: Batang Quiapo.
"Tapos yung naririnig ko 'yung comments nila, until now nakakabasa ako ng comments. Parang ang sarap sa feeling na hanggang ngayon pala may nakaka-appreciate sa akin. Iba yung validation na natatanggap ko for the past few days,"
"Weakness ko kasi 'yung pagsinabi nilang proud sila sa'kin... 'Pag naririnig ko 'yun sa boyfriend ko, sa management ko sa family ko,"
"Worth it pala ang pag-iri ko at paggapang ko sa palengke... I'm using it as a motivation na galingan ko pa, kasi ngayon ko lang napatunayan na may naniniwala pa sa'akin," ang emosyonal na naging pahayag ni Miles.
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano:
Si Miles Ocampo o Camille Tan Hojilla sa tunay na buhay ay isang Filipina actress, model, writer, at singer. Naging bahagi siya ng dating ABS-CBN gag show Goin' Bulilit. Naging bahagi siya ng Star Magic. Ilan sa kanyang mga nakatrabaho kung saan siya ang gumanap sa mga supporting roles ay sina Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, Kim Chiu at Lorna Tolentino.
Sa ngayon, isa si Miles sa mga co-host ng Eat Bulaga kung saan sinabi niyang isa umano ito sa kanyang mga unexpected blessings. At sa pilot episode ng FPJ: Batang Quiapo, nag-trending ang husay niya sa pagganap bilang batang Cherry Pie Picache. Kabi-kabilang papuri ang natatanggap niya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging sa mga kapwa niya artista.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh