Ogie Diaz, inalala ang umano'y pagkuyog sa kanya noon ng ilang tao sa Quiapo

Ogie Diaz, inalala ang umano'y pagkuyog sa kanya noon ng ilang tao sa Quiapo

- Binalikan ni Ogie Diaz ang hindi kagandahang nangyari sa kanya noon sa Quiapo

- Ito ay matapos na maibahagi rin nila sa Showbiz Update ang ilang kontrobersyal na eksena sa FPJ: Batang Quiapo

- Ani Ogie, talagang na-trauma siya sa pangyayari lalo na at nakuyog siya ng ilang kalalakihan

- Naibahagi niya ito hindi para siraan umano ang Quiapo kundi para patotohanang may mga hindi talaga magandang nangyayari roon at sa ilan pang bahagi ng Kamaynilaan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Ogie Diaz ang hindi niya umano malilimutang karanasan nang minsang siyang nagawi sa Quiapo noong high school pa lamang siya.

Ogie Diaz, inalala ang umano'y pagkuyog sa kanya noon ng ilang tao sa Quiapo
Ogie Diaz
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na para sa kanya'y trauma talaga ang naidulot nito sa kanya lalo na at siya'y walang kasama pa noon.

"Alam mo sa totoo lang kahit ako, noong high school days ko. nagsimba lang ako ng Quiapo, pinalibutan na ako ng mga nagsasabit dito ng yung parang maliliit na istampita."

Read also

Boy Tapang at GF na minsang na-KMJS ang love story, nagkaka-iringan umano sa socmed

"Oy kunin mo na 'to limang piso lang. Tapos nung babayaran ko na ng limampiso, Ano 'to? Sabi niyo po limampiso. Sabi ko 25 pesos. Ha? Wala po akong perang ganon."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

At dahil hindi Php25 ang halagang unang nabanggit ng naglalako, kanya nalang daw sana itong isinasauli. Subalit, tila nababaliktad na siya ng naglalako at sinabing kailangan na niya itong bayaran at nakakabit na ito sa kanya.

"Sinabit ko na sa'yo o. 'Di ba, bayaran mo sinabit ko na sa'yo. Tapos kukuyugin ka na ng mga kasama. Ano 'yan, ano 'yan? E ito kasi, ayaw bayaran. Limang piso lang gusto ibayad e Php25. Hindi po, sabi niyo po talaga five pesos lang."
"Tapos sasabihin ng mga mama, bayaran mo na Php25. Alam mo Diyos ko yung pambili ko ng uniporme, ng damit Diyos ko po. Mamgiyak-ngiyak talaga ako. Sobrang trauma sa kain nun. Quiapo 'yun ah. Nangyari talaga 'yun. Hindi ko sinisiraan ang Quiapo"

Read also

Cristy Fermin, naghakot na sa umano'y condo na bigay sa kanya ni Willie Revillame

Dahil dito, ibayong pag-iingat talaga ang ginagawa niya hindi lamang sa Quiapo kundi maging sa matataong lugar.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel niyang Ogie Diaz Showbiz Update:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Sa isa sa mga episodes ng kanyang showbiz update channel, todo puri niya ang bagong serye ni Coco Martin, ang FPJ: Batang Quiapo lalo na ang pagganap ni Miles Ocampo sa pilot episode nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel