Vice Ganda, pinag-shopping si Carlo Mendoza na kilala din bilang si Gigil Kid

Vice Ganda, pinag-shopping si Carlo Mendoza na kilala din bilang si Gigil Kid

- Sinorpresa ni Vice Ganda ang batang si Carlo Mendoza na lagi niyang nakakasama noong mas maliit pa ito

- Labing-isang taong gulang na si Carlo na nakilala din sa bansag na "Gigil Kid" dahil sa tila lagi itong naggigigil

- Pagkatapos nilang magkwentuhan at kumain ay dinala ni Vice si Carlo sa bilihan ng mga damit kung saan tuwang-tuwa ito na namili ng kanyang pang-OOTD

- Pinamili din ni VIce si Carlo ng mga bagong sapatos at hindi maitago ng bata ang kanyang tuwa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinorpresa ni Vice Ganda ang anak-anakang si Carlo Mendoza na nakilala din bilang si Gigil Kid. Agad siyang niyakap ni Carlo nang makita siya nito dahil matagal din daw silang hindi nagkita.

Vice Ganda, pinag-shopping si Carlo Mendoza na kilala din bilang si Gigil Kid
Vice Ganda, pinag-shopping si Carlo Mendoza na kilala din bilang si Gigil Kid (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Kasalukuyan umanong nakatira si Carlo sa kanyang manager na siya ding nagpapaaral sa kanya. Habang kumakain ay nagbalik-tanaw sila noong panahong nagkakasama pa sila.

Read also

Vice Ganda, nabanggit ang tungkol sa pagbanggit ng "stomach" sa Pinoy Henyo

Nabanggit din ni Vice na may espesyal na koneksiyon sila ni Carlo dahil ito umano ang unang nakakita kay Ion. Bago pa sumikat si Ion sa It's Showtime ay naging guest ito kasama ang ilan pang kalahok ng patimpalak na kanyang sinalihan.

Si Carlo ang tumawag sa kanya mula sa audience at doon unang nagkakakilala sina Vice at Ion.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pagkatapos nilang kumain ay dinala ni Vice si Carlo sa bilihan ng mga damit at sapatos. Hindi maitago ni Carlo ang tuwa sa regalo sa kanya ni Vice.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Anne Curtis, emosyonal sa birthday message ni Vice Ganda sa kanya

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate