Jelai Andres, ibinida ang kanyang husay sa pag-lato-lato

Jelai Andres, ibinida ang kanyang husay sa pag-lato-lato

- Binahagi ni Jelai Andres ang video ng kanyang paglato-lato

- Makikita ang aktres na naglalato-lato sa loob ng bahay at nakapameywang pa

- Pabiro pa siyang naghamon na pwede na siyang ipanlaban sa mga bata sa labas

- Dagdag pa niya siya na daw ang dadayo para sa laban ng paglalaro ng lato-lato

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nagpahuli si Jelai Andres at nakiuso sa paglalaro ng lato-lato. Sa kanyang Instagram post ay ibinida niya ang kanyang husay sa paglalaro nito.

Jelai Andres, ibinida ang kanyang husay sa pag-lato-lato
Jelai Andres, ibinida ang kanyang husay sa pag-lato-lato (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

Nakapameywang pa ito habang naglalaro na tila madali lang para sa kanya ang paglalaro. Tawang-tawa naman ang kanyang kasama na naririnig sa naturang video.

Pabiro pa siyang naghamon na pwede na siyang ipanlaban sa mga bata sa labas. Aniya, siya na daw ang dadayo para sa laban ng paglalaro ng lato-lato.

Read also

Cristy Fermin, muling pinayuhan si Paolo Contis: "'Wag kang pikon, magpakatotoo ka"

Ipanlaban niyo na ko sa mga bata sa labas ng bahay niyo! Ako pa dadayo!

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Pretty naman ng lato-lato warrior na yan.
Jelai Andres natin pwede na panlaban sa lato-lato hahaha
Another lato-lato pro

Si Jelai Andres ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Sa kainitan ng pagputok ng balita tungkol sa muling paghihiwalay nila ni Jon, hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob kay Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Read also

Bouncer na umaawat kay Awra, magsasampa rin umano ng reklamo

Isa sa naging highlight ng isang vlog episode ni Jelai ay ang No Reaction Challenge nila ni Buboy Villar. Magpapagalingan sila sa pagpigil sa kanilang sarili na sumigaw o magpakita ng reaksiyon sa kanilang pagsakay sa mga extreme rides sa isang amusement park. Habang sumasakay sila sa isang drop tower ride, hinimatay si Jelai at nakuhanan ito ng video ni Buboy. Agad naman siyang nahimasmasan nang matapos ang oras nila sa naturang ride.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel