Dina Bonnevie, hanga sa sweetness ni Marc Pingris kay Danica Sotto

Dina Bonnevie, hanga sa sweetness ni Marc Pingris kay Danica Sotto

- Aminado si Dina Bonnevie na hanga umano siya sa sweetness ng manugang na si Marc Pingris sa kanyang anak na si Danica

- Aniya, kahit sa harap nila ay makikita kung gaano nito kamahal si Danica

- Minsan na rin niyang nasabihan ang anak na si Danica na nauutusan pa noon ang mister na magpalit ng diaper ng kanilang anak

- Si Danica Sotto ang panganay na anak nina Dina Bonnevie at Vic Sotto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, isa sa mga naikwento ni Miss Dina Bonnevie ay kung gaano ka-sweet ang manugang niyang si Marc Pingris sa kanya namang anak na si Danica Sotto.

Dina Bonnevie, hanga sa sweetness ni Marc Pingris kay Danica Sotto
Danica Sotto and Marc Pingris
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naidetalye pa ni 'Miss D' kung ano mismo ang nasaksihan nila sa sweetness ng basketball star sa misis nitong si Danica.

Read also

Andrew Schimmer, ibinida ang tattoo na mukha ni Jorhomy bago ang Valentine's day

"I've never seen someone so sweet to his wife. Minsan nagdi-dinner kami out of nowhere biglang kakargahin si Danica, halika nga dito Danica. Kakargahin niya... Ido-Dawn Zulueta niya tapos hahalik-halikan niya. Sabi ko, ano ba 'yan Marc, nahihiya naman kaming tumingin. Kasi sabi ko, mamaya na 'yan," ani Miss D.

Naikwento rin niya ang minsan pang pagsunod agad ni Marc kay Danica nang utusan niya itong magpalit ng diaper.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Tuwing iiyak si Mic. Marc! Marc! Oy, Danica, bumangon ka diyan ah. Ikaw ang magpalit ng diaper, bakit asawa mo nagpapalit ng diaper? E Ma, siya nagpapalit ng diaper. Tumigil ka sabi ko, papaluin kita. Palitan mo ng diaper ang anak mo," kwento pa ni Dina.

Subalit ngayon, hanga siya sa mga anak na sina Oyo at Danica na very hands-on sa kani-kanilang mga pamilya.

Read also

Cristy sa bagong tema ng vlog ni Alex: "Halatang-halata naman itong damage control na ito"

Narito ang kabuuan ng panayam kay Dina Bonnevie mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Sa Part 1 ng interview ni Ogie Diaz kay Miss Dina Bonnevie, naikwento nitong nasasabihan din siya ng kanyang mga anak pagdating sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan umano niya.

Tulad na lamang ng panayam sa kanya kamakailan ni Boy Abunda kung saan preview pa lang, tinawagan na agad umano siya ng panganay na anak niyang si Danica ukol dito para lang magpaalala.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel