Willie Revillame, nilinaw na spliced umano ang video niyang kumakalat
- Minabuti ni Willie Revillame na linawin ang tungkol sa kumakalat na video kung saan kasama niya si dating presidential spokesperson Harry Roque
- Nilinaw niya na pinutol daw ang video na iyon para pagmukhaing tinatawanan niya ang tungkol sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN
- Sa pinakita nilang video na kuha noong May 27, 2020 kung saan sinabi ni Willie na malaki ang utang na loob niya sa estasyon dahil doon siya nakilala
- Nagbiro pa siya na huwag na siyang idamay at baka ma-bash siya kaugnay sa isyu
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinakita ni Willie Revillame ang kabuuan ng video na kumalat sa social media kung saan kasama niya si dating presidential spokesperson Harry Roque. Aniya, ang naturang video ay pinutol para pagmukhaing pinagtatawanan niya ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.
Nagbiro si dating spox Roque na sa unang pagkakataon ay si Willie na lang ang napapanuod sa telebisyon. Sinagot naman ito ni Willie na malaki ang utang na loob niya sa ABS-CBN dahil doon siya nakilala. Nabanggit niya din ang TV-5 kung saan siya nanggaling bago siya lumipat sa GMA-7 kung saan naganap ang naturang pag-guest ng dating spox.
Ani Willie, magsilbing aral sana ang nangyari sa kanya na huwag agad maniwala sa mga clickbait na video.
Panuorin ang kabuuan ng video dito:
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.
Nagbigay pahayag si Willie Revillame ukol sa umano'y pansamantalang pagsasara ng AMBS. Apektado rin ang pansamantalang paghinto sa ere ng ilang mga programa nito. Hindi rin pinalampas ni Willie ang ilang nababasa niyang komento kung saan tila natutuwa pa ang ilan sa pagsasara ng AMBS. Sana'y inisip na lamang ng mga taong nambabatikos na may mga empleyadong mawawalan ng trabaho sa paghinto ng operasyon ng AMBS.
Kabilang si Ogie Diaz sa mga naglabas ng saloobin ukol sa naging pahayag ni Willie Revillame sa pagtatapos ng ilang programa sa ALLTV. Matatandaang naging usap-usapan ang mga nasabi ni Willie lalo na nang sabihin niyang dapat ay i-'set aside ang pulitika' sa pangyayaring ito. Kaugnay nito, binalikan umano ng mga netizens ang naging pahayag ni Atty. Harry Roque sa Wowowin noon kaugnay sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN. Ito rin umano ang pinaghugutan ng mga ito upang salungatin ang naging pahayag ni Willie..
Source: KAMI.com.gh