Interview ni Willie Revillame kay Harry Roque sa Wowowin, binalikan ng netizens

Interview ni Willie Revillame kay Harry Roque sa Wowowin, binalikan ng netizens

- Binalikan ng netizens ang umano'y bahagi ng panayam ni Willie Revillame kay dating Presidential spokesperson Harry Roque

- Ito ay matapos na maiugnay ng ilang netizens sa nagaganap na napapabalitang pansamantalang pamamahinga ng mga programa sa ALLTV

- Hindi raw umano ito nalalayo sa nangyaring ABS-CBN shutdown na ipinagkibit balikat lang umano ni Willie sa naturang interview niya kay Harry Roque

- Subalit nang mapanood nila ang kabuuan ng bahaging nabanggit ito ng dating presidential spokesperson, nalaman nilang may sagot pala ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binalikan ng mga netizens ang ngayo'y kontrobersyal na interview ni Willie Revillame kay dating presidential spokesperson Harry Roque.

Interview ni Willie Revillame kay Harry Roque sa Wowowin, binalikan ng netizens
Willie Revillame at Harry Roque (Wowowin)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na ito'y iniuugnay sa napapabalitang pansamantalang pagsasara ng ilang programa ng ALLTV.

Ilang netizens ang nagsabing wala umanong naging sagot si Willie nang makantsawan siya ni Harry Roque tungkol sa hindi pagkakaroon ng prangkisa ng ABS-CBN.

Read also

Willie Revillame, pinakita ang pinapagawang Wowowin Studio

"First time po na sa kauna-unahang pagkakataon, ikaw ang napapanood sa buong bansa. Alam mo duda ko, kaya 'yung isa nawalang prangkisa ikaw may kakagawan niyan e. Ohh... Aminin!" ang pabirong nasabi ni Atty. Harry.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kumakalat na video, aakalaing natawa na lang si Willie at tila wala nang sinabi.

Subalit sa kabuuan pala ng naturang video, sinabi niya ang halaga ng ABS-CBN sa kanya.

"Malaki rin po ang utang na loob ko sa istasyon na'yun. Dahil doon ako nagsimula, doon ako nakilala. Nasa puso ko pa rin 'yan. Kapamilya, Kapatid, Kapuso... bawat Pilipino nandiyan," ang tugon ni Willie sa nasabi ni Atty. Harry.

"Sec, 'wag mo ko idamay... nananahimik ako. Hindi natin pag-uusapan ang anumang prangkisa," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ng Wowowin:

Read also

Ogie Diaz sa 'set aside ang pulitika' statement ni Willie: "Alamin niya muna 'yung background"

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Bagama't makailang beses nang inalok na pasukin ang pulitika, minabuti niyang manatili sa programa kung saan umano siya nakakatulong na agad sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel