Willie Revillame, nilinaw na kay Cristy Fermin lang siya mag-so-sorry

Willie Revillame, nilinaw na kay Cristy Fermin lang siya mag-so-sorry

- Nilinaw ni Willie Revillame na kay Cristy Fermin lang siya humihingi ng dispensa

- Sa kanyang mga nabanggit na taong bumatikos sa kanya, hindi umano siya magso-sorry

- Gayunpaman, tuloy pa rin ang pasaring ng TV host ng kanyang mga naitulong sa ibang tao na nauna na niyang tinukoy

- Aniya, hindi naman siya nanunumbat ngunit nagugulat daw siya sa mga taong nagawan niya ng kabutihan na tinitira siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Iginiit ni Willie Revillame na sa kanyang mga nabanggit na taong bumatikos sa kanya, kay Cristy Fermin lang siya humihingi ng dispensa. Aniya, yung iba ay ginagamit lamang ang sitwasyon.

Willie Revillame, nilinaw na kay Cristy Fermin lang siya mag-so-sorry
Willie Revillame, nilinaw na kay Cristy Fermin lang siya mag-so-sorry (Wowowin)
Source: Youtube

Humingi siya ng dispensa sa kanyang Tita Cristy dahil sa kanyang nasabi dahil daw sa kanyang sama ng loob. Maging sa pamilya ni Cristy ay nag-sorry din siya.

Read also

Willie Revillame, ikinuwentong nagkaayos na sila ni Cristy Fermin

“Again, kay Tita Cristy, sa pamilya mo, sa mga anak mo, I’m really sorry na nasaktan ko kayo. Maraming salamat, ipinagtatanggol mo pala ako.”

Sa isang episode ng Wowowin ay bumwelta si Willie sa mga taong nagawan niya ng mabuti ngunit aniya ay tinitira siya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Nagbigay pahayag si Willie Revillame ukol sa umano'y pansamantalang pagsasara ng AMBS. Apektado rin ang pansamantalang paghinto sa ere ng ilang mga programa nito. Hindi rin pinalampas ni Willie ang ilang nababasa niyang komento kung saan tila natutuwa pa ang ilan sa pagsasara ng AMBS. Sana'y inisip na lamang ng mga taong nambabatikos na may mga empleyadong mawawalan ng trabaho sa paghinto ng operasyon ng AMBS.

Kabilang si Ogie Diaz sa mga naglabas ng saloobin ukol sa naging pahayag ni Willie Revillame sa pagtatapos ng ilang programa sa ALLTV. Matatandaang naging usap-usapan ang mga nasabi ni Willie lalo na nang sabihin niyang dapat ay i-'set aside ang pulitika' sa pangyayaring ito. Kaugnay nito, binalikan umano ng mga netizens ang naging pahayag ni Atty. Harry Roque sa Wowowin noon kaugnay sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN. Ito rin umano ang pinaghugutan ng mga ito upang salungatin ang naging pahayag ngi Willie.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel