Willie Revillame, ikinuwentong nagkaayos na sila ni Cristy Fermin

Willie Revillame, ikinuwentong nagkaayos na sila ni Cristy Fermin

- Naibahagi ni Willie Revillame ang tungkol sa pagkakalinawan nila ni Cristy Fermin kasunod ng kanyang pahayag

- Aniya, nabiktima lamang siya ng clickbait kaya inako niyang mali siya doon kaya humingi siya ng dispensa kay Cristy

- Dagdag pa niya, nagkasigawan at murahan sila ngunit kinalaunan ay nagkalinawan at nakapagpatawaran

- Sinabi ni Willie na para silang mag-inang nagkatampuhan at humingi siya ng dispensa kay Cristy at sa mga anak nito na nasaktan din umano sa kanyang nasabi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Willie Revillame na mali niya na hindi niya pinanuod ang programa ni Cristy Fermin at kaagad na naglabas ng sama ng loob. Nagkasigawan at murahan sila ngunit kinalaunan ay nagkalinawan at nakapagpatawaran.

Willie Revillame, ikinuwentong nagkaayos na sila ni Cristy Fermin
Willie Revillame, ikinuwentong nagkaayos na sila ni Cristy Fermin (Wowowin)
Source: Youtube
“Nagkausap kami ni Tita Cristy kanina, nagsigawan kami. Nagmurahan kami."

Sinabi ni Willie na para silang mag-inang nagkatampuhan at humingi siya ng dispensa kay Cristy at sa mga anak nito na nasaktan din umano sa kanyang nasabi.

Read also

Willie Revillame, nilinaw na kay Cristy Fermin lang siya magso-sorry

"Parang mag-ina na nagtatampuhan hanggang humingi ako ng tawad sa kanya at sa mga anak niyang nasaktan. Kung anuman yung nasabi ko ho, e, hindi naman yon pagsusumbat.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kaugnay ito sa naging pahayag ni Willie na sinabihan siya ng taong mayabang na binigyan niya umano ng condo unit. Nitong February 7 na episode ng Cristy Ferminute ay pinagtanggol pa nito si Willie.

Gayunpaman nilinaw niyang nabiktima lamang siya ng clickbait at hindi na niya pinanuod ang programa ni Cristy. Aminado naman siya sa kanyang pagkakamali at humingi siya ng dispensa.

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Read also

Willie Revillame, pumalag sa mga bumatikos sa kanya: "Kayo ang may utang na loob sa akin"

Nagbigay pahayag si Willie Revillame ukol sa umano'y pansamantalang pagsasara ng AMBS. Apektado rin ang pansamantalang paghinto sa ere ng ilang mga programa nito. Hindi rin pinalampas ni Willie ang ilang nababasa niyang komento kung saan tila natutuwa pa ang ilan sa pagsasara ng AMBS. Sana'y inisip na lamang ng mga taong nambabatikos na may mga empleyadong mawawalan ng trabaho sa paghinto ng operasyon ng AMBS.

Kabilang si Ogie Diaz sa mga naglabas ng saloobin ukol sa naging pahayag ni Willie Revillame sa pagtatapos ng ilang programa sa ALLTV. Matatandaang naging usap-usapan ang mga nasabi ni Willie lalo na nang sabihin niyang dapat ay i-'set aside ang pulitika' sa pangyayaring ito. Kaugnay nito, binalikan umano ng mga netizens ang naging pahayag ni Atty. Harry Roque sa Wowowin noon kaugnay sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN. Ito rin umano ang pinaghugutan ng mga ito upang salungatin ang naging pahayag ngi Willie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel