Manila Philharmonic Orchestra version ng 'Jopay', kinagiliwan ng netizens

Manila Philharmonic Orchestra version ng 'Jopay', kinagiliwan ng netizens

- Kinagiliwan ng netizens ang kakaibang version ng kantang Jopay ng bandang Mayonnaise

- Sa video, Manila Philharmonic Orchestra ang tumutugtog nito sa Biñan, Laguna

- Kahit pa orchestra na ito, makikitang enjoy na enjoy na nakikikanta ang mga nanonood

- Sinasabing muling sumikat ang kantang ito nang maging bahagi ng soundtrack ng 2022 movie na 'Ngayon Kaya'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Viral ngayon ang kakaibaing version ng kantang Jopay na pinasikat ng bandang Mayonnaise.

Nalaman ng KAMI na sa Araw Ng Biñan kamakailan, isa ito sa tinugtog ng Manila Philharmonic Orchestra.

Manila Philharmonic Orchestra version ng 'Jopay', kinagiliwan ng netizens
Manila Philharmonic Orchestra version ng 'Jopay', kinagiliwan ng netizens
Source: Facebook

At kahit pa orchestra version na ito, nagawa pa rin itong sabayan ng kanta ng mga manonood.

Tila isa na ito sa pinakaaabangang awitin sa mga shows saan mang sulok ng bansa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Maricel Soriano, napuri at nais ma-interview sina Enchong Dee at Joshua Garcia

Bagama't taong 2004 pa ito unang pinasikat ng bandang Mayonnaise, nanumbalik ang sigla ng awiting ito dahil na rin sa TikTok at sa pelikulang 'Ngayon Kaya' nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino noong 2022 kung saan isa to sa kanilang soundtrack.

Talagang sa kahit anong mga shows, isa ang Jopay sa mga nais na marinig ng mga manonood ngayon.

Narito ang ilan sa mga naging komento ng netizens:

"Ibang level na ang Jopay, naka-orchestra na"
"Ay bongga! Jopay 3.0 na ito. Ang crowd talagang todo sabay pa rin"
"Di ko ine-expect 'yan ah! The best version so far"
"Ang galing naman ng Manila Philharmonic Orchestra. Nakikisabay din sa kung ano ang in"

Narito ang kabuuan ng video mula mismo sa Manila Philharmonic Orchestra:

Kamakailan, nag-viral din ang video ng isang Ice Candy vendor na mayroong British accent. Aniya, iyon umano ang panghikayat niya sa mga mamimili na minsa'y nakikipagsabayan sa pakikipag-inglisan sa kanya.

Read also

Cristy, nabanggit ang pagtatanungan umano ng mga Eat Bulaga hosts ng mangyayari sa kanila

Hinangaan din ng marami ang isang Pinay OFW sa Canada na tinanggihan ang $100 na iniaabot sa kanya ng isang vlogger. Ito ay dahil sa agaran niyang pagtulong sa nagpanggap na customer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica