Pokwang, nagpost tungkol sa aniya'y magkaibang mukha ng narcissist
- Nagpost si Pokwang sa kanyang IG stries tungkol sa aniya'y mukha ng narcissist
- Ang magkaibang mukha ng narcissist sa bahay at kung may ibang taong nakakakita
- Ang isang mukhang pinakita niya ay mukha ng nakangising nilalang at ito umano ay kapag nasa bahay
- Kapag nasa publiko naman daw ay mukha itong maamo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa post ni Pokwang sa kanyang Instagram story ay pinakita niya ang magkaibang mukha ng narcissist sa bahay at kung paano ito umasta kapag may ibang taong nakatingin.
Sa kanyang post ay makikita ang isang mabangis at maamong mukha ng isang nilalang. Ang mabangis na mukha ay kung paano umano ang isang narcissist sa bahay at ang ang maamo ay kung paano ito kapag may ibang taong nakatingin.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.
Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.
Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh