Brenda Mage, Ibinida ang naipundar na farm; "I decided to name it Hinaguan"

Brenda Mage, Ibinida ang naipundar na farm; "I decided to name it Hinaguan"

- Ibinahagi ni Brenda Mage ang kanyang naipundar na farm

- Pinangalanan niya ito na Hinaguan na ang ibig sabihin ay 'fruit of labor'

- Isa lamang ito sa mga pinagkaabalahan ni Brenda matapos magdesisyon na magpahinga pansumandali sa showbiz

- Si Brenda Mage ay isang komedyante na produkto ng Miss Q and A at muling gumawa ng ingay sa showbiz nang pumasok sa Pinoy Big Brother house

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Brenda Mage ang kanyang naipundar na farm na tinawag niyang 'Hinaguan.'

Brenda Mage, Ibinida ang naipundar na farm; "I decided to name it Hinaguan"
Brenda Mage
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa lamang ito sa kanyang mga pinagkaabalahan matapos na pansamantalang mamahinga sa showbiz at piniling umuwi sa kanilang probinsya.

Sa kanyang post, naikwento ni Brenda kung paano niya naisip ang pangalang 'Hinaguan' para sa katas ng kanyang kasipagan.

Read also

Daily contender, nag-propose sa girlfriend habang nasa stage ng Tawag ng Tanghalan

"Magandang Umaga mga Higala, sa tagal ng aking pag iisip kung anu ipapangalan ko sa Farm na to.. ngayon finally nakaisip na ko hahaha," caption ng kanyang post kung saan may larawan siya na nasa kanyang farm.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Since ito ay mula pa sa Pangarap ko na gusto kong bilhin nung bata pa ako.. pinagtrabahuan ko talaga at pinaghirapan. Ngayong nabili ko na sya at inaayos para maging Farm... I decided to name it "HINAGUAN," dagdag pa niya.

Matatandaang una nang naipundar ni Brenda ang kanyang bahay na ang kanyang naging inspired sa Pinoy Big Brother house.

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates.

Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Read also

Anak ng OFW na tumanggi sa $100, proud sa ina; "That's our Nanay!"

Nagbigyan muli ng pagkakataong makabalik sa bahay ni Kuya si Brenda kung saan hinirang pa siyang 5th placer.

Ito ay matapos na magwagi ni Brenda sa isang task kung saan nakatunggali niya si Madam Inutz na siyang naging daan upang makasama siya sa big 5.

Samantala, 4th placer naman ang teen housemate na si Rob Blackburn, 3rd placer ang beauty queen na si Samantha Bernardo. 2nd placer naman ang adult housemate na si Isabel Laohoo at ang big winner ng Kumunity Season 10 ay si Anji Salvacion ng celebrity edition.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel