Daily contender, nag-propose sa girlfriend habang nasa stage ng Tawag ng Tanghalan

Daily contender, nag-propose sa girlfriend habang nasa stage ng Tawag ng Tanghalan

- Nagpakilig sa marami ang ginawang pag-propose ng daily contender ng Tawag ng Tanghalan sa kanyang girlfriend

- Pinahintulutan ng programang 'It's Showtime' ang kalahok sa TnT na paakyatin din sa stage ang nobya

- Wala itong kaalam-alam sa maituturing niyang memorable na proposal gayung naganap ito sa Tawag ng Tanghalan Stage

- Hindi naman nabigo ang lalake na nakuha ang yes ng kanyang nobyang labis na rin naging emosyonal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Talagang bumuhos ang emosyon sa Tawag ng Tanghalan stage nang ang isang daily contender nila na si Ralph ay biglang nag-propose sa kanyang nobya.

Daily contender, nag-propose sa girlfriend habang nasa stage ng Tawag ng Tanghalan
Si Ralph at ang kanya na ngayong fiancée (Tawag ng Tanghalan/ It's Showtime)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sumang-ayon si Ralph kay Vice Ganda nang sabihin nitong marami ang nagnanais na makatuntong sa It's Showtime stage.

Dalawa umano sila ng kanyang nobya sa mga nagwi-wish na hindi basta manood ng programa kundi mabigyang pansin sa entablado.

Read also

Tindero ng ice candy na may British accent, hinangaan ng marami

At para gawing extra special ang pagkakataong iyon, nagulat ang lahat nang biglang may kunin si Ralph sa kanyang bulsa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

'Eto na 'yung chance siguro na ano, na yayain ka. Alam mo naman na mahal na mahal kita, 'di ba? Ayaw ko na mawala ka sa buhay ko. Ikaw 'yung bumuo sa'kin nung walang-wala ako... Alam mo 'yun, nung wasak na wasak ako, dumating ka sa buhay ko... binago mo 'yung buhay ko," ang mga nasabi ni Ralph bago ito lumuhod at sabihining Will you marry me?

Hindi naman nabigo si Ralph na agad na nag-Yes ang kanya na ngayong fiancée.

Labis na nagpakilig ito sa mga netizens na aminadong naging emosyonal nang mapanood ang video clip na ito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"'Yung hindi ko napapansin tumutulo na pala luha ko. Congrats sa inyo!"

Read also

Anak ng OFW na tumanggi sa $100, proud sa ina; "That's our Nanay!"

"Ramdam mo na love na love nila talaga ang isa't isa. Swerte niyo naman sa It's Showtime pa"
"Deserve niyo ang ganyang proposal. You both look happy and in love"
"Ang saya-saya naman nito kahit nakakaiyak. Stay in love"

Matatandaang sa kasagsagan ng pandemya sa loob ng nakaraang dalawang taon ay kanya-kanyang mga gimik ang mga iba't ibang nag-viral na wedding proposal.

Ilan sa mga ito ay ang nagkunwaring hinimatay ang nobyo na labis naman ipinag-alala ng kanyang pakakasalan. Ngunit nang bigla niyang ilabas ang singsing at sabihin ang totoong motibo, agad din namang nag-yes ang babae.

Gayundin ang isang couple na mahilig sa online games na ginamit pa ng lalake ang paborito nilang laro na Genshin Impact para makapag-propose sa kanyang nobyang si Ronica.

Pinaglaro ng BF si Ronica at sa dulo ng quest nito doon niya nakita ang mahiwagang tanong na "Will you be my waifu?" (Will you be my wife?).

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel