Vice Ganda at Ion Perez, niregaluhan ng bag ang kanilang Nanay Rosario

Vice Ganda at Ion Perez, niregaluhan ng bag ang kanilang Nanay Rosario

- Sa video ni Vice Ganda na binahagi sa kanyang YouTube channel, pinakita ng kanyang Nanay Rosario ang mga binili nina Vice Ganda at Ion Perez para sa kanya

- Aniya, nagustuhan niya ang bag na Louis Vuitton na biniloi sa kanyan nina Vice habang nasa Taiwan sila

- Bukod sa bag ay binilhan din nila siya ng Christian Dior na slides na ayon kay Nanay Rosario ay susuotin niya sa bahay

- Matatandaang sa Taiwan nag-bagong taon ang pamilya ni Vice Ganda kasama si Ion

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Nanay Rosario sa vlog ni Vice Ganda ang bag na binili nina Vice at Ion Perez para sa kanya nang pumunta sila sa Taiwan. Matatandaang sa Taiwan nag-bagong taon ang pamilya ni Vice Ganda kasama si Ion.

Read also

Vice Ganda, napag-tripan ang nanay niya sa kanyang maleta raid

Vice Ganda at Ion Perez, niregaluhan ng bag ang kanilang Nanay Rosario
Vice Ganda at Ion Perez, niregaluhan ng bag ang kanilang Nanay Rosario (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Ayon kay Nanay Rosario ay gusto niya ang ganoong uri ng bag. Bukod sa bag ay binilhan din nila siya ng Christian Dior na slides na ayon kay Nanay Rosario ay susuotin niya sa bahay.

Marami naman sa mga tagapanuod ni Vice ang natuwa na muling makita ang kulitan ng mag-ina. Ayon sa iba sa kanila, kahit pabiro ay kitang-kita kung gaano pinapahalagahan ni Vice ang kanyang nanay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilalla siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Yorme Isko Moreno kay Angeline Quinto: "Nadali mo kami sa prank mo, Ange"

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel