Yorme Isko Moreno kay Angeline Quinto: "Nadali mo kami sa prank mo, Ange"

Yorme Isko Moreno kay Angeline Quinto: "Nadali mo kami sa prank mo, Ange"

- Ayon kay Yorme Isko Moreno, talagang walang makaka-tolongges sa Batang Maynila kundi kapwa Batang Maynila rin

- Ang tinutukoy niya ay ang naging guest niya kamakailan sa Iskovery Night na si Angeline Quinto

- Hindi niya napaghandaan ang prank ni Angeline sa kanya at aminado siyang kinabahan siya sa prank nito

- Nagkunwari si Angeline na hinimatay siya habang nasa studio pa ng Iskovery Night

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Yorme Isko Moreno ang picture nila ng kanyang naging guest sa YouTube program niyang Iskovery Night. Ayon sa kanya, talagang walang makaka-tolongges sa Batang Maynila kundi kapwa Batang Maynila rin.

Yorme Isko Moreno kay Angeline Quinto: "Nadali mo kami sa prank mo, Ange"
Yorme Isko Moreno kay Angeline Quinto: "Nadali mo kami sa prank mo, Ange" (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Ang tinutukoy niya ay ang naging guest niya kamakailan na si Angeline Quinto na kagaya niya ay laking Maynila rin. Hindi niya napaghandaan ang prank ni Angeline sa kanya at aminado siyang kinabahan siya sa prank nito na nagkunwaring nahimatay.

Read also

Erwan Heussaff, tawang-tawa sa todo-bigay na pagkanta ni Dahlia

Nadali mo kami sa prank mo, Ange @LoveAQuinto! Talagang walang makaka-tolongges sa Batang Maynila kundi kapwa Batang Maynila rin!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Sa isang vlog ay inamin ni Angeline na siya ang unang nagsabi ng "I love you" sa kanyang boyfriend na si Nonrev Daquina. Ito ay kanyang naibahagi sa YouTube video ni Luis Manzano kung saan nakapanayam niya sina Angeline at ang partner nitong si Nonrev sa kanyang segment na Luis Listens. Ito umano ang kauna-unahang interview na pinaunlakan nilang magkasama lalo at mahiyain daw si Nonrev. Nakwento nilang dalawa ang kanilang mga problemang pinagdaanan kabilang na ang pagtutol raw ng manager ni Angeline sa kanilang relasyon.

Matatandaang binahagi ni Angeline ang video ng kanyang pagprank kay dating Manila Mayor Isko Moreno nang i-guest siya nito sa kanyang online show. Nagkunwari si Angeline na masama ang kanyang pakiramdam at sinimulan niyang ipaalam sa staff ni Yorme na masama ang kanyang pakiramdam. Sa kalagitnaan ng show ay nagkunwari si Angeline na hinimatay siya habang naglalakad na ayon kay Yorme ay talagang ikinataranta niya. Agad umanong pinapatay ni Yorme ang mga cellphone nang makitang natumba si Angge para daw maprotektahan ito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel