Erwan Heussaff, tawang-tawa sa todo-bigay na pagkanta ni Dahlia

Erwan Heussaff, tawang-tawa sa todo-bigay na pagkanta ni Dahlia

- Binahagi ni Anne Curtis sa Instagram stories niya ang nakakaaliw na video ng kanyang mag-ama

- Makikita sa naturang video na nakasakay si Dahlia sa carrier na nasa likod ni Erwan Heussaff habang tumatakbo

- Tuwang-tuwa naman si Dahlia habang tumatakbo ang kanyang daddy at napakanta pa siya ng "Old Macdonald Had A Farm"

- Hindi naman mapigil ni Erwan na matawa sa todo-bigay na pagkanta ng anak na nag-ala Anne sa pagbirit

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tawang-tawa si Erwan Heussaff sa anak na si Dahlia dahil sa todo-bigay na pagkanta nito. Makikita sa video na ibinahagi din ni Anne na nakasakay si Dahlia sa carrier na nasa likod ng daddy niya habang tumatakbo ito.

Erwan Heussaff, tawang-tawa sa todo-bigay na pagkanta ni Dahlia
Erwan Heussaff, tawang-tawa sa todo-bigay na pagkanta ni Dahlia (@annecurtissmith)
Source: Instagram

Kinanta ni Dahlia ang "Old Macdonald Had A Farm" at bumirit pa ito na kagaya sa todo-bigay na pagbirit ni Anne. Base sa post ni Anne, kuha ito sa kanilang pagpunta sa Baguio. Hirit pa ni Anne malamang ang mataas na energy level ng mag-ama ay dahil sa sariwang hangin.

Read also

Dennis Trillo, 'nahuli' ni Jennylyn Mercado na nagti-TikTok sa loob ng banyo

Narito ang komento ng mga netizens:

So adorable din talaga itong si dahlia so very cute tawang tawa ako ng bumirit ng kanta nagmana kay mommy anne nya so cute! hahaha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mana ni Anne kung kumanta!
Very nice view . Nicer ang bonding ng mag ama.

Si Anne Curtis Smith- Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dhalia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Read also

Bea Alonzo, diretsang nasabi na 'di niya kayang makipagkaibigan kay Gerald Anderson

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel