Darna sa Indonesia, 'di pa kanselado ayon kay Ogie Diaz

Darna sa Indonesia, 'di pa kanselado ayon kay Ogie Diaz

- Nilinaw nina Ogie Diaz sa kanilang Showbiz update channel na hindi pa umano kanselado ang pagpapalabas ng Darna sa Indonesia

- Makalipas ang dalawang linggo, inakalang wala na ito sa airtime ng pagpapalabas sa Indonesia

- Lalo na at may napabalitang binu-blur na ang kasuotan ni Darna tuwing nagtatransform ito

- Inakala ng marami na ito umano ang dahilan na tila taliwas sa kultura ng nasabing bansa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Mama Loi, Tita Jegs at Ogie Diaz sa pinakabago nilang Showbiz Update ay ang hindi na umano pagsasa-ere ng Darna sa Indonesia.

Nalaman ng KAMI na dalawang linggo pa lamang naisas-ere ang Darna sa nasabing bansa subalit napabalita agad na tila kanselado na ito.

Darna sa Indonesia, 'di pa kanselado ayon kay Ogie Diaz
Jane de Leon (@imjanedeleon)
Source: Facebook

"Kasi nabasa naman natin na binu-blur daw pag nagda-Darna na raw si Narda. Medyo lihis sa kanilang kultura, di naaayon sa kanilang kultura ang napapanood nila. So ano, totoo ba 'yun?" ani Ogie Diaz.

Read also

Wilbert Tolentino: "Di ka magtatagal sa industriya sa asal na meron ka"

Gayunpaman, binasa ni Mama Loi ang umano'y statement ng ABS-CBN International ukol dito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Indonesia recently stopped analog TV broadcasting and shifted to digital TV broadcasting ANTV determined that it would be better for viewers to enjoy Darna once the transition to digital TV broadcasting has been completed. New airing details will be announced soon"

"Tuloy pa rin naman daw ang pag-ere ng Darna, pagkatapos mag-shift to digital. Hindi naman daw po kanselado," ani Ogie Diaz bilang paglilinaw na rin sa lahat.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Sa naturang episode din napag-usapan nina Ogie D At Mama Loi ang tungkol sa kanseladong concert tour ni James Reid sa North America. Magsisimula sana ito sa Enero 29 subalit itutuloy na lamang bago matapos ang taon.

Read also

Tindero ng ice candy na may British accent, hinangaan ng marami

Sinasabing flop di umano ang ticket sales gayung may kamahalan din ang bentahan ng ticket sa show ni James. Ilan lamang ito sa nakikitang dahilan bakit minabuti na lamang nilang hindi na muna ito ituloy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel