Ogie D sa kanseladong concert ni James Reid: "Flop ang ticket sales, 'yun ang nakarating sa'kin"

Ogie D sa kanseladong concert ni James Reid: "Flop ang ticket sales, 'yun ang nakarating sa'kin"

- Napag-usapan sa Showbiz Update channel ni Ogie Diaz ang tungkol sa kanseladong concert ni James Reid sa Amerika

- Nakarating kay Ogie Diaz na flop 'di umano ang ticket sales ng concert na sana'y gaganapin sa Enero 29

- Nakarating din umano kay Ogie na inuna talagang ibenta ang mahal na tickets ng show bago ang mas murang ticket nito

- Sa inilabas na pahayag ni James, itutuloy na lamang ang kanyang concert later this year upang mas lalo pa raw niya itong paghanadaan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kanselado ang concert ni James Reid sa North America na gaganapin sana ngayong Enero 29.

Ogie D sa kanseladong concert ni James Reid; "Flop ang ticket sales, 'yun ang nakarating sa'kin"
Ogie D sa kanseladong concert ni James Reid; "Flop ang ticket sales, 'yun ang nakarating sa'kin"
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga napagkwentuhan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa bagong episode ng kanyang Showbiz Update.

Read also

Tindero ng ice candy na may British accent, hinangaan ng marami

Ayon umano sa kanilang source, flop di umano ang bentahan ng tickets ng nasabing show at may kamahalan din.

"Parang $168 yata. Parang inuna yung mga mahal na ticket kesa yung mga murang ticket," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Parang bihira lang mag-book yung ticket selling sa mga mahal. Kaya doon nila nahiwatigan na, naku! patay... di masyadong malakas. E syempre malulugi 'yung mga producers," dagdag pa niya.

Hindi raw ito magandang hudyat sa mga producers na maaring hindi na maglagak ng panahon para sa naturang show.

"Pagka-ganyan nang ganyan ang ma nagka-cancel, siyempre next time around hindi na magtitiwala ang mga producers,"

Samantala, sa inilabas na opisyal na pahayag ni James, sinabing itutuloy na lamang ang nakanselang concert bago matapos ang taon.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Read also

Ogie D sa komentong tila dog show na ang Darna: "Feeling ko sinasadya 'yun"

Kamakailan nga ay labis na naging usap-usapan ang interview ni Ogie Diaz sa dating partner ni Carlo Aquino na si Trina Candaza. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naibulalas ni Trina ang kanyang saloobin sa hiwalayan nila noon ni Carlo na alam naman ng marami na hindi naging maayos. Magpasahanggang ngayon nga ay may ilang post si Trina na napansin ng netizens na tila patama sa umano'y kinahinatnan ng kanyang relasyon sa aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel