Maureen Wroblewitz, sinabing siya ay 'healing from past trauma'

Maureen Wroblewitz, sinabing siya ay 'healing from past trauma'

- Nagbahagi si Maureen Wroblewitz ng TikTok video kung saan nag-dub siya ng lyrics of kanta nu Miley Cyrus na 'Flowers'

- Ayon sa kanya, siya ay nasa healing stage mula sa kanyang trauma sa dating relasyon niya

- Aniya, sa isang relasyon na bukas sa publiko, hindi alam ng marami ang totoong nangyayari

- Nilinaw din niya sa comment section na ang focus ng kanyang video ay patungkol sa kanyang karanasan at hindi sa kanyang ex

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Maureen Wroblewitz ang aniya ay trauma sa kanyang past relationship. Sa isang TikTok video ay nag-dub siya ng lyrics of kanta ni Miley Cyrus na 'Flowers.'

Maureen Wroblewitz, sinabing siya ay 'healing from past trauma'
Maureen Wroblewitz, sinabing siya ay 'healing from past trauma' (@mauwrob)
Source: Instagram

Aniya, hindi siya nagsalita tungkol sa nakaraang relasyon niya ngunit aniya ay nakaka-relate siya sa kanta ito ni Miley. Nabanggit niya rin na hindi naman alam ng publiko ang totoong nangyayari sa isang relasyon na bukas sa publiko.

Read also

Chito sa lagay ng kabandang si Gab; "Gabriel was diagnosed with lymphoma"

Nabanggit niyang siya ay unti-unti nang nakakabangon mula sa pinagdaanang trauma.

i have lost myself over the past few years and i’m finally realizing who i really am. i am working on myself and healing from past trauma because i don’t want to make the same mistakes. maybe one day i’ll be ready to speak about it because i know it could help a lot of people.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nilinaw din niya sa comment section na ang focus ng kanyang video ay patungkol sa kanyang karanasan at hindi sa kanyang ex.

The focus of this Tiktok is not my Ex but my personal experience! I’ve been dealing with mental breakdowns because of my past experience for 8 months

Si Maureen Wroblewitz o Maureen Christa Pojas Wroblewitz sa totoong buhay ay isang Filipino-German fashion model, na sumikat matapos tanghaling kampyon sa Asia's Next Top Model. Kinatawan niya ang Pilipinas sa nasabing kompetisyon at ang kauna-unahang Pinay na nanalo.

Read also

Heart Evangelista at Chiz Escudero, magkasamang pumunta sa isang clinic

Matapos niyang manalo sa Asia's Next Top Model, pinasok niya rin ang local showbiz at napasama sa music video ng awiting Buwan ni JK Labajo. Naging bahagi din siya ng noontime show na Eat Bulaga. Matatandaang taong 2019 nang unang kumpirmahin ng magkasintahan ang tungkol sa kanilang relasyon.

Matatandaang kinaaliwan ang komento ni JK sa IG post ni Maureen kung saan binahagi niya ang ilang pictures nila kasama ang kanyang co-actors sa pelikulang 'Take Me to Banaue'. Marami ang naaliw sa komento nito na tila nagseselos. Gayunpaman, marami ang naniniwalang hindi iyon isyu kay JK kaya marami ang natawa na lamang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel