Zeinab, sa dinanas na hirap noon; "Talagang tumira kami sa baywalk, sa kalye"

Zeinab, sa dinanas na hirap noon; "Talagang tumira kami sa baywalk, sa kalye"

- Isa sa naikwento ni Zeinab kay Karen Davila ay ang hirap na dinanas nila noong siya'y bata pa

- Aniya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang, naranasan nilang manirahan sa kalsada

- Dumating din sa puntong wala na umano silang makain na kinailangan pa nilang tumambay sa food court ng mall sa pagbabaka-sakaling may mailaman sa tiyan

- Mahalaga ang limang piso sa kanila noon na pambili nila ng tinapay na pudding namabigat umano sa tiyan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matapang na ibinahagi ni Zeinab ang hirap na dinanas nila noon buhat nang maghiwalay ang kanilang mga magulang.

Zeinab, dumanas ng hirap at gutom noon; "Talagang tumira kami sa baywalk. Sa kalye."
Zeinab Harake (Karen Davila YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI Na kahit na maayos na ang pakikitungo ng kanilang mga magulang ngayon, aminadong nahirapan sila nang maghiwalay ang mga ito.

"Nung time naman na naghiwalay sila ng mom ko, seryoso po 'to hope to die. Peksman, mamatay man... Talagang tumira kami sa baywalk. Sa kalye. Isipin niyo po ah, talagang sa truck kami tumitira ay natutulog," pag-amin ni Zeinab.

Read also

Zeinab Harake, ipinasilip ang bagong tahanan sa vlog ni Karen Davila

Umabot sa halos tatlong buwan umano sila sa kalsada hanggang sa mapanaginipan at hanapin na sila ng kapatid ng kanyang ina na siyang kumpkop sa kanila noon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Subalit bago pa ito mangyari, dumanas silang mag-iina ng gutom at kawalan ng maayos na matutulugan.

"Ang ginagawa ng mom ko, sa Robinson's Malate doon kami naliligo. Tapos dumating po yung time na kakain wala kaming pambili sa food court kami nag-aantay."
"Yung limang piso sa amin noon, kaya sobra akong magpahalaga ng lahat ng nangyari sa buhay ko, kasi limang piso po sa amin noon hapunan na namin noon. Bibili kami ng pudding na tinapay. Dahil pudding ang pinakamabigat sa tiyan at pinakamura that time"

Subalit ngayon, dahil na rin mismo sa kanyang pagsisikap at pagiging madiskarte sa buhay, malayo na ang buhay na ito sa tinatamasa nilang biyaya ngayon.

Read also

Jessy Mendiola, binahagi ang nakakaaliw na reaksiyon ni Vilma Santos nang unang makita ang apo

Lalo na at may mga anak na siya, sinisiguro ni Zeinab na hindi maranasan ng kanyang mga anak ang mga naranasan noon. Gayunpaman, proud silang nalampasan ang ganoong uri ng pagsubok na lalong nagpatatag sa kanilang pamilya.

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel. Katunayan, pasok siya sa top 3 YouTuber para sa taong 2022 sa bansa.

Sa mga huling vlogs niya sa nakaraang taong 2022, ipinakita ni Zeinab ang pagpapahalaga sa sarili lalong-lalo na rin sa kanyang pamilya at Team Zebby. Subalit, hindi pa rin ito nakalimot na magbahagi ng kanyang biyaya lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica