Zeinab Harake, ipinasilip ang bagong tahanan sa vlog ni Karen Davila

Zeinab Harake, ipinasilip ang bagong tahanan sa vlog ni Karen Davila

- Nagkaroon ng house tour si Zeinab Harake sa pagbisita sa kanya ni Karen Davila

- Namangha si Karen sa itim na bahay ni Zeinab na matagal na pala umano niyang pinapangarap

- Makikita rin ang pagiging simple ni Zeinab na ayaw ng masyadong maraming gamit sa kanyang bahay

- Humanga rin si Karen sa kung paano mag-organize ng gamit si Zeinab lalong-lalo na sa kanyang silid

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakaunang vlog ni Karen Davila para sa taong 2023, pinaunlakan siya ni Zeinab Harake sa kanyang bagong tahanan.

Zeinab Harake, ipinasilip ang biniling bahay sa vlog ni Karen Davila
Zeinab Harake at ang kanyang baby Bia kasama si Karen Davila (@iamkarendavila)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ang bahay na nabili ni Zeinab para sa kanyang sarili at hindi pa niya ito naiha-house tour sa sarili niyang vlog kaya naman una itong makikita sa channel ni Karen.

Pagpasok pa lamang, namangha na si Karen sa kulay ng bahay ni Zeinab na itim.

Read also

Trina, naikwento ang pagtawag ni Mithi sa iba ng 'Daddy'; "Siyempre may kirot sa puso'

Katuparan na pala ito ng kanya lamang dati na pinapangarap.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Nung bata pa po ako 'pag naglalakad kami sa subdivision, nakakakita po ako ng bahay na itim. Pangarap ko pong magkaroon ng bahay na itim."

Ayon kay Zeinab, mayroon nang dating may-ari ang bahay na kanya lamang pinaayos at pinaganda ayon sa kanyang nais na disenyo.

Isa rin sa napansin at hinangaan ni Karen ay ang pagiging organized ni Zeinab sa kanyang mag gamit.

Ipinakita rin ni Zeinab ang kanyang bag at shoe collection kung saan ipinasadya pa niya ang lagayan nito.

Ani Zeinab, katuwang niya ang ina sa pagsasaayos ng kanyang bahay na napakalinis at eleganteng tingnan lalo pa at ayaw niya ang masyadong maraming gamit sa kanyang tahanan.

Narito ang kabuuan ng kanilang house tour at kwentuhan mula sa Karen Davila YouTube channel:

Read also

Trina Candaza sa naging dahilan ng hiwalayan nila ni Carlo Aquino; "I think everybody knows it"

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel. Katunayan, pasok siya sa top 3 YouTuber para sa taong 2022 sa bansa.

Sa mga huling vlogs niya sa nakaraang taong 2022, ipinakita ni Zeinab ang pagpapahalaga sa sarili lalong-lalo na rin sa kanyang pamilya at Team Zebby. Subalit, hindi pa rin ito nakalimot na magbahagi ng kanyang biyaya lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel