Karen Davila, labis na namangha kay Baby Bia ni Zeinab: "Such a blessing"

Karen Davila, labis na namangha kay Baby Bia ni Zeinab: "Such a blessing"

- Labis na namangha si Karen Davila sa anak ni Zeinab Harake na si Bia

- Nang bisitahin niya ang tahanan ni Zeinab, sa unang pagkakataon ay nakilala rin niya ang anak nito

- Panay ang "hi" at 'high five' ni Bia kay Karen maging sa kumukuha ng video nito

- At nagawa pa nitong ituro ang book kung saan madali nitong nasasabi kung ano ang naituturo ng kanyang mommy Zeinab

- Ani Karen 'artista' ang anak ni Zeinab at masasabing 'blessing' talaga ito sa ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminadong natuwa si Karen Davila sa anak ni Zeinab Harake na si Bia nang bisitahin niya ito sa kanilang tahanan.

Karen Davila, labis na namangha kay Baby Bia ni Zeinab; "Such a blessing"
Baby Bia, Mommy Zeinab at si Karen Davila (@iamkarendavila)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ang pagbisitang ito ni Karen ang pinakuna niyang vlog para sa taong 2023.

Namangha si Karen sa ganda ng black house ni Zeinab subalit mas namangha siya sa super cute at adorable na anak ni Zeinab.

Read also

Trina, naikwento ang pagtawag ni Mithi sa iba ng 'Daddy'; "Siyempre may kirot sa puso'

Pagpasok pa lamang nila ng room ni Bia, madali itong nag-"hi" kay Karen kahit noon pa lamang niya ito nakita.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Habang nai-interview ni Karen si Zeinab ay panay ang 'hi' at high five pa rin ni Bia sa kanya.

"Such a blessing!" ani Karen na hindi rin napigilang halikan ang nakakatuwang anak ni Zeinab.

Lalo na nang ituro na nito ang kanyang book, at agad na nasasagot ang mga itinuturong pictures ng kanyang Mommy Zeinab.

"Why are you so galing? Ang galing niya o... very attentive. Nagsasalita na... Ang galing mo dear, you are so good," ang walang humpay na papuri ni Karen kay Bia.

Narito ang kabuuan ng pagbisita ni Karen kay Zeinab:

Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).

Read also

Trina Candaza sa naging dahilan ng hiwalayan nila ni Carlo Aquino; "I think everybody knows it"

Sa ngayon, aktibo na rin siya sa bilang isang YouTube content creator. Umabot na sa mahigit 1.3 million ang kanyang subscribers dahil sa mga vlog niya na bukod sa nakakaaliw ay kapupulutan lagi ng aral sa buhay.

Isa sa mga kinagiliwan ng mga tao ay ang panayam niya kay Lyca Garanoid kung saan naging viral ang reaksyon niya nang malaman niyang pareho ang petsa ng kanilang birthday.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel