Ivana Alawi, sinama ang mga kapatid sa pamamasyal sa Japan

Ivana Alawi, sinama ang mga kapatid sa pamamasyal sa Japan

- Binahagi ni Ivana Alawi ang video kung saan kasama niya ang dalawang kapatid na sina Mona at Hash Alawi sa Japan

- Sa kanyang pinakabagong vlog ay pinakita ni Ivana ang kanilang food trip sa isang palengke sa Japan

- Bukod sa kulitan ng tatlo kinagiliwan ng netizens ang pagiging maalaga nina Ivana at Hash kay Mona na limitado lamang ang nakakain dahil maselan umano ang tiyan nito

- Napansin din ng viewers niya na hindi nagbabago ang kanilang pagiging simple at walang arte

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Ivana Alawi ang video ng food trip nilang magkakapatid sa isang palengke sa Japan. Kasama ni Ivana ang dalawang kapatid na sina Mona at Hash Alawi.

Ivana Alawi, sinama ang mga kapatid sa pamamasyal sa Japan
Ivana Alawi, sinama ang mga kapatid sa pamamasyal sa Japan (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Nagbigay sila ng kanilang rating sa bawat pagkaing kanilang natikman. Bukod sa kulitan ng tatlo kinagiliwan ng netizens ang pagiging maalaga nina Ivana at Hash kay Mona na limitado lamang ang nakakain dahil maselan umano ang tiyan nito.

Narito ang ilang mga komento

Hash really look like a kind person.. Sana wag kayong magbago magkakapatid,ang babait nyo at nakakainggit ung closeness nyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ganda panaurin kayo , enjoying , having fun , showing to us viewers how siblings should be, caring, loving towards each other, irrespective if you’re home away or not
Ang sarap Nyo pag masdam. Nakaka proud kayong magkakapatid, sobrang close nyu. Sana lahat ng magkapatid kagaya Nyo

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Nagbahagi si Ivana ng isang quote tungkol sa pagkakaroon ng mabuting kalooban. Aniya, maaring mawala ang kagandahang panlabas ngunit ang pagkakaroon ng mabuting puso ay mananatili. Marami naman sa kanyang mga followers ang sumang-ayon sa binahagi niyang kasabihan. Isa umano si Ivana sa mga taong bukod sa mayroong kagandahang panlabas ay mayroon ding mabuting kalooban.

Binahagi ni Ivana sa vlog niya kasama ang kanyang ate na si Amira Alawi at ang kanilang mama. Sinama niya sila sa pamimili ng ukay-ukay na damit at dapat ay hindi sila lumagpas sa kanilang budget na tig P1,000 kada isa. Binigay naman ni Ivana ang pagpapasya sa mga viewers ng vlog niya para matukoy kung sino ang may pinakamagandang napamili sa kanilang tatlo. Ani Ivana, makakatanggap ng P50,000 ang mananalo sa kanilang "Ukay Shopping Challenge."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel