Ogie Diaz, hanga sa ina; "Inaalala pa rin ang anak sa kabila ng kanyang natitirang lakas"

Ogie Diaz, hanga sa ina; "Inaalala pa rin ang anak sa kabila ng kanyang natitirang lakas"

- Nagbigay pugay si Ogie Diaz sa kanyang ina na patuloy pa rin ang pagmamalasakit sa kanila

- Naibahagi niya na noong birthday niya nitong January 2, iniaabot ng kanyang nanay ang alkansiya nito

- Lahat umano halos na naibigay ni Ogie D sa ina ay naipon nito at ibinibigay muli kay Ogie na marami na umanong nagastos sa kanila

- Dahil dito mas lalo umanong humanga si Ogie D sa kanyang nanay na sa kabila umano ng natitirang lakas nito, naiisip pa rin ang kalagayan nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isang mahabang post na pagbibigay pugay sa kanyang ina ang naibahagi ni Ogie Diaz.

Ogie Diaz, hanga sa ina; "Inaalala pa rin ang anak sa kabila ng kanyang natitirang lakas"
Ogie Diaz and family (Ogie Diaz)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kaarawan ng kanyang inang si Carmen na labis niyang hinahangaan sa kung paano umano sila nito pagmalasakitan.

Naikwento pa ni Ogie na sa kaarawan niya noong January 2, iniaabot umano ng kanyang ina ang alkansiyang regalo raw nito.

Read also

Source ni Cristy Fermin, sinabing dalawa lang umano silang nanood ng My Teacher sa sinehan

"Kaya nung birthday ko nung Jan. 2, yung perang iniipon niya sa alkansiya niya, ibinibigay niya sa akin," kwento ni Ogie.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

“Regalo ko sa yo yan. Iyo yan. Inipon ko lahat ng bigay mo. Nahihiya na ako sa ‘yo. Ang dami mo nang gastos,” ayon daw sa kanyang Nanay Carmen.

Dahil dito mas lalong bumilib si Ogie D sa kanyang ina na sa kabila ng edad nito'y naiisip pa rin na pagmalasakitan siya.

"Nanay na nanay pa rin. Inaalala pa rin ang anak sa kabila ng kanyang natitirang lakas... I love you, 'Nay!"

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake". Hanggang sa naging sunod-sunod na ang kanyang mga proyekto sa pelikula man o telebisyon.

Read also

Rabiya Mateo, nakapundar ng 200-square meter na property para sa ina

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Ilan sa mga kontrobersyal na personalidad na nakapanayam niya kamakailan ay sina Xander Ford, Tom Rodriguez, Kean Cipriano, Matet De Leon at maging si Boy Abunda na isa rin umano sa mga kilalang batikang talk show host sa Pilipinas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel