Xian Gaza, pinabulaanang klepto siya; "That's not me, 100% fake news"

Xian Gaza, pinabulaanang klepto siya; "That's not me, 100% fake news"

- Pinabulaanan ni Xian Gaza ang lumalabas na akusasyong klepto siya o magnanakaw

- Gayunpaman, inamin naman niya ang pagiging scammer umno niya sa panloloko 'di umano ng nasa 27 na katao

- Naikwento ni Xian na nagagawa lamang umano itong isiwalat ng kanyang ex-girlfriend upang makuha ang simpatya ng publiko laban kay Xian

- Marami pa umanong mga naging pasabog si Xian sa eksklusibong panayam sa kanya ni Chino Liu o mas kilala bilang si Tita Krissy Achino

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsahang itinanggi ni Xian Gaza ang lumabas na bukod sa pagiging scammer niya noon, isa rin daw umano siyang klepto o magnanakaw.

Xian Gaza, pinabulaanang klepto siya; "That's not me, 100% fake news"
Photo: Xian Gaza (Tita Krissy Achino YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na sa panayam sa kanya ni Chino Liu o mas kilala bilang si Tita Krissy Achino, ibinulalas ni Xian ang saloobin niya sa umano'y bagong paratang na ito sa kanya.

Read also

Source ni Cristy Fermin, sinabing dalawa lang umano silang nanood ng My Teacher sa sinehan

"Stealing and pagiging klepto, that's 100% fake news. Pwede akong mang-scam sige. Sabihin nating nakapanloko ako. Nakapag-execute ako ng fraudulent transactions. Meron akong diniceive na tao. Aminado na ako doon... Para makadiskarte ako ng pera para maitapal-tapal ko yun mga utang ko na manghihiram ako dito, alright sabihin ko may negosyo, tinapal-tapal ko 'yung utang... Doon ako kauna-unahang natawag na scammer sa panahon na 'yon," ani Xian

"Doon sa bagay na 'yun, aminado ako. 27 people in total. Going back sa pagiging klepto, that's not me. Hundred percent fake news," buong tapang niyang nasabi.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aniya, pangmamanipula lamang ito ng kanya umanong ex na kumukuha lamang din ng simpatya sa publiko para maramdaman umano ng tao na biktima ito.

Narito ang kabuuan ng marami pa niyang rebelasyon mula sa YouTube channel na Tita Krissy Achino:

Read also

Ogie D sa dating interview niya sa Mclisse; "Dito pa lang, may na-sense na ako eh"

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam. Gayunpaman, kapansin-pansing nakabangon na si Xian sa hindi magagandang sinapit na ito sa kanyang buhay. Katunayan, inspirasyon na ang hatid niya sa tagumpay na tinatamasa ngayon.

Kamakailan, muling gumawa ng ingay sa publiko si Xian sa umano'y naging komento niya sa kababaihan na aagad umanong inalmahan ng isa ring influencer na si Donnalyn Bartolome. Minsan na rin siyang nakasama sa vlog ni Zeinab Harake, kung saan nakasama siya nitong mag-shopping sa Thailand.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica