McCoy de Leon sinabing sobrang bigat ng problema kaya siya sumuko

McCoy de Leon sinabing sobrang bigat ng problema kaya siya sumuko

- Ayon kay McCoy de Leon, dumating siya sa puntong sumuko na siya dahil sa bigat ng kanyang problema

- Ito ang sinabi niyang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Elisse Joson

- Pinabulaanan niyang may ibang tao na naging dahilan ng paghihiwalay nila

- Matatandaang unang lumabas ang espikulasyong hiwalay na sila ni Elisse matapos niyang mag-post ng picture nila ng anak nila ng anak kung saan sinabi niyang laging tandaan ng anak na mahal niya ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay McCoy de Leon, sumuko siya dahil sa dumating siya sa punto ng buhay niya na sobrang bigat ng problema niya. Aniya, hindi niya intensiyon na manakit o manloko.

McCoy de Leon sinabing sobrang bigat ng problema kaya siya sumuko
McCoy de Leon sinabing sobrang bigat ng problema kaya siya sumuko (@mccoydeleon)
Source: Instagram
"Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema kaya po ako sumuko."

Read also

McCoy de Leon, pinabulaanan ang tungkol sa umano'y kumakalat na convo

Nilinaw niyang walang ibang tao na naging dahilan ng paghihiwalay nila ng ina ng kanyang anak.

"Wala po involve na ibang tao ang pinaka rason kaya kami naghiwalay. Sana po maniwala kayo."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si McCoy de Leon ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Hashtags ng noontime show na "It's Showtime". Naging bahagi din siya ng isang edisyon ng "Pinoy Big Brother" na naging daan para mas makilala siya at maipareha sa aktres na si Elisse Joson.

Matatandaang pinasalamatan ni McCoy si Elisse sa sorpresa nito sa kanya para sa kanyang kaarawan. Kalakip ng kanyang mga ibinahaging mga litrato ay ang kanyang mensahe para sa ina ng kanyang anak na si Felize. Sa kanyang mga binahaging pictures ay makikita ang kanilang naging pagdiriwang kasama ang iba pa niyang kapamilya at kaanak. Naroroon din ang kanyang mag-inang sina Elisse at Felize na kadalasang laman ng social media post ng aktor.

Matapos maging usap-usapan ang cryptic post ni Elisse kaugnay sa aniya'y paghihirap nila ng kanyang anak, nagbahagi din ng mensahe si Mccoy de Leon. Aniya, maya't-maya niya tinitingnan kung maayos ang kalagayan ng kanyang mag-ina. Kagaya ni Elisse, aniya ay wala na din siyang maayos na tulog ngunit aniya sana ay huwag silang sumuko. Dagdag pa ni McCoy, gagawin niya ang lahat para lang masigurong mapasaya at maprotektahan niya ang kanyang mag-ina.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel