Kris Aquino, naghahanap na umano ng mabibiling bahay sa USA ayon sa source ni Cristy Fermin

Kris Aquino, naghahanap na umano ng mabibiling bahay sa USA ayon sa source ni Cristy Fermin

- Naghahanap na umano ng mabibiling bahay si Kris Aquino sa Amerika ayon sa source ni Cristy Fermin

- Sinasabing ito ay dahil sa patuloy na gamutan na isinasagawa kay Kris sa USA dahilan para 'di pa ito makauwi sa Pinas

- Ayon sa source ni Cristy, sa Los Angeles California nagpapahanap si Kris ng kanilang matitirahan

- Hangad pa rin nina Cristy na sa pagpasok ng taong 2023, tuluyan nang makahanap ng lunas para sa karamdaman ni Kris.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez, nabanggit ang pagpapahanap umano ni Kris Aquino bahay sa Amerika.

Kris Aquino, naghahanap na umano ng mabibiling bahay sa USA ayon sa source ni Cristy Fermin
Kris Aquino (@krisaquino)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na mahigit anim na buwan na umano si Kris sa USA dahil sa kanyang pagpapagamot. Ito raw marahil ang dahilan kung bakit naisip na nitong magpahanap ng mabibiling bahay doon.

Read also

Jorhomy “Jho” Rovero, naihatid na sa kanyang huling hantungan

"Isang source po ang aking nakausap at nagsabi sa akin na nagpapahanap na po ng mabibiling bahay si Kris Aquino sa Los Angeles California," ani Cristy.

"Ang sabi ng friend ko, sa Orange county daw. Napakagandang lugar itong Orange County na ito at talagang secure na secure sila doon," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, tila mas lalong hindi muna makauuwi si Kris sa Pilipinas na inaasahan ng marami sa pagpasok ng taong 2023.

Patuloy pa rin umano ang hiling nina Cristy na sa pagsapit ng bagong taon, malaman na sana umano ang lunas sa kabi-kabilang karamdaman ng tinaguriang 'Queen of all media.'

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Read also

Cristy Fermin sa umano'y nakita ni Mamu kay Kris Aquino; "Kinikilabutan ako"

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Samantala, isa rin sa natalakay sa Showbiz Now Na! ay ang nakita umano ng prophetic witch kung tawagin na si Mamu sa kapalaran ni Kris Aquino. Aminado si Cristy na kinilabutan siya subalit mas malakas pa rin umano ang paniniwala niyang ang Diyos lamang ang nakakaalam ng kahihinatnan ng bawat tao sa mundo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel