Cristy Fermin sa umano'y nakita ni Mamu kay Kris Aquino; "Kinikilabutan ako"

Cristy Fermin sa umano'y nakita ni Mamu kay Kris Aquino; "Kinikilabutan ako"

- Tinalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang nakita ng kilalang prophetic witch na si Mamu sa umano'y kahihinatnan ni Kris Aquino

- Aminadong kinilabutan si Cristy sa kanilang nalaman subalit mas matindi ang paniniwala niyang Diyos lamang ang nakaaalam ng ating kapalaran

- Aniya, nirerespeto niya si Mamu at magsilbi lamang umanong gabay ang kung anuman ang kanyang nakikita

- Nasabi rin nilang wala nang mas hihigit pa sa sinserong panalangin na marami naman umano ang gumagawa para sa pagpapagaling ni Kris Aquino

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ay ang umano'y mga nakita ni Gloria Escoto ng Cabanatuan City o mas kilala bilang si Mamu sa kalagayan ni Kris Aquino.

Cristy Fermin sa umano'y nakita ni Mamu kay Kris Aquino; "Kinikilabutan ako"
Kris Aquino (@krisaquino)
Source: Instagram

Ani Cristy, isa umanong prophetic witch o manghuhula si Mamu na nakapanayam ni Romel sa kanyang vlog kamakailan.

Read also

Charlie Dizon, nagbahagi ng picture na kuha sa holiday dinner kasama ang mga kaibigan

Nalaman ng KAMI na isa sa naitanong ni Romel ay ang magiging kapalaran umano ni Kris Aquino na hanggang ngayo'y nakikipaglaban sa kanyang mga karamdaman.

"Marahas po ang sinabi niya kay Romel na si Kris Aquino po ay..." ani Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Mamaaalam... Hindi next year kundi magpapaalam siya sa kanyang karamdaman," pagpapatuloy ni Romel.

"Mamamaalam dahil siya ay gagaling o mawawala siya sa mundo?" ang kasunod na tanong ni Cristy.

"Mawawala siya sa mundo," ani Romel.

Ipinakita rin ang video clip ni Mamu habang kausap si Romel na kuha mula sa vlog nito.

"Si Ms. Kris, hindi siya okay. Pero nilalabanan niya (yung depresyon at sakit niya) Kaya lang, kahit anong gawin niya, wala na," ani Mamu.

"Health. 'Yun ang possible na ikawala niya" dagdag pa nito.

Read also

Tom at Carla, malabo nang magkabalikan; annulment aasikasuhin na ayon kay Cristy

"Kung ano man yung pinagdadaanan niya ngayon, yun ang posibleng ikamatay niya"

Aminado si Cristy na kinilabutan sa mga naging pahayag ni Mamu subalit sinangga niya ito ng paniniwalang tanging Diyos lamang ang nakaaalam ng ating kapalaran.

"Alam mo, kinikilabutan ako. Unang-una, naiintindihan ko kasi ang propesyon ng mga manghuhula. Gift kung tawagin nila 'yung nakapagbabasa sila ng kapalaran ng kapwa nila. Pero ako kasi ang pinaninindigan ko at pinaniniwalaan ko, walang maaring makaalam kung kailan tayo magpapaalam," pahayag ni Cristy.

"Nirerespeto ko si Mamu, pero mas nirerespeto ko ang kapangyarihan ng Diyos. Diyos lang ang nakakaalam kung kailan niya babawiin ang ating buhay," paglilinaw pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Read also

Cristy Fermin, ipinagtanggol si Daniel Padilla sa akusasyong cheater umano ito

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel