Ian Veneracion, 'di inaasahan ang pagkapanalo bilang Best Actor; "Medyo nagulat din ako"
- Hindi raw umano inaasahan ni Ian Veneracion ang pagkapanalo niya bilang best actor sa natapos na Metro Manila Film Festival 2022
- Ito ay para sa pelikulang 'Nananahimik ang gabi' kung saan kasama niya sina Heaven Peralejo at Mon Confiado
- Ani Ian, maging siya ay nagulat nang matanggap ang naturang award
- Labis din niyang ipoinagpapasalamat na ang pagbubuti nila ng kanilang trabaho ay masusuklian ng pagtangkilik ng mga tao sa kanyang pag-arte at sa kanilang pelikula
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Aminado si Ian Veneracion na maging siya ay nagulat nang hirangin bilang Best Actor sa Metro Manila Film Festival 2022 para sa pelikulang 'Nananahimik ang gabi.'
Nalaman ng KAMI na nakunan ng Ogie Diaz Showbiz Update ng pahayag si Ian sa kung ano ang naging reaksyon nito sa kanyang pagkapanalo lalo na at ito ang kauna-unahang best actor award na nakamit niya.
"Nung ginawa namin ito, wala naman sa isip namin 'yung tensyon na isali sa MMFF lalong hindi namin inisip na ginagawa namin ito para manalo ng award. Pero ayun nga, nakakatuwa kasi pinagbubuti lang natin 'yung trabaho natin. Tapos ngayon, ang sarap lang na na-appreciate pala nila," ani Ian.
"Ako medyo nagulat din ako kasi itong character na plinay ko si Chief. Actually pwede naman siyang i-play na simple lang e na few levels lang. Pero dahil si Direk sobrang attention to detail niya, ang laking tulong sa actor ng makeup ng lighting ng cinematography, at saka lalo na ng co-actors ko. Kasi nagre-react lang naman ako sa co-actors ko," dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ian:
Isa ang pelikula nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo at Mon Confiado sa mga naging bahagi ng Metro Manila film Festival.
Bukod sa best actor award na nakuha ni Ian, wagi rin bilang best supporting actor si Mon Confiado na hinangaan din ang pag-arte sa naturang pelikula. 3rd best picture din ang kanilang pelikula.
Si Heaven Peralejo na kapareha ni Ian ay labis-labis na ang pasasalamat sa pagkakanomina bilang best actress na siyang naiuwi naman ni Nadine Lustre para sa kanyang pelikulang 'Deleter.' Humakot pa ang Deleter ng iba pang mga awards tulad ng Best Sound, Best Visual Effects, Best Cinematography, Best Director at Best Picture.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh