Michelle Madrigal at anak, masayang nag-Pasko kasama ang partner at mga anak nito

Michelle Madrigal at anak, masayang nag-Pasko kasama ang partner at mga anak nito

- Masaya si Michelle Madrigal sa Pasko ngayong taon, base sa kanyang social media post

- Pinost niya ang photos ng kanyang Christmas celebration kasama si Anika Austin Woolfolk, ang anak nila ng ex-husband niyang si Troy Woolfolk

- Makikita rin na kasama rin ng aktres sa kanyang Christmas celebration ang kanyang bagong foreigner na boyfriend at ang mga anak nito sa kanyang previous relationship

- Ang best Christmas present na natanggap niya ay ang pagmamahal at ang kanyang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Si Michelle Madrigal ay nagkaroon ng maligayang Pasko ngayong taon, base sa kanyang Instagram post.

Makikita sa IG account ni Michelle ang photos ng kanyang Christmas celebration kasama si Anika Austin Woolfolk, ang anak nila ng ex-husband niyang si Troy Woolfolk.

Sa nasabing pictures ay makikita rin na kasama rin ng aktres sa kanyang Christmas celebration ang kanyang bagong foreigner na boyfriend at ang mga anak nito sa kanyang previous relationship.

Michelle Madrigal at anak, masayang nag-Pasko kasama ang partner at mga anak nito @mitch_madrigal
Michelle Madrigal at anak, masayang nag-Pasko kasama ang partner at mga anak nito @mitch_madrigal
Source: Instagram

Ayon kay Michelle, ang best Christmas present na natanggap niya ay ang pagmamahal at ang kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“The best present I received this year is the gift of love and family. Hope y’all had an amazing Christmas with your loved ones,” Michelle wrote.

Si Michelle Madrigal Gaspar o mas kilala sa kanyang screen name na Michelle Madrigal ay isang Pinay actress na nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng reality talent search na Star Circle Quest.

Biniyayaan si Michelle at si Troy Woolfolk ng isang anak na babaeng pinangalanan nilang Anika Austin Woolfolk. Nauna nang naibahagi ng aktres na nagkakilala sila ng kanyang mister sa isang dating app. Matatandaang naibahagi nila sa isa sa kanilang vlog na sumasailalim sila sa marriage counseling. Eventually, nag-divorce na rin sina Michelle at Troy.

Kamakailan ay binahagi ni Michelle na nakapag-move on na siya at mayroon na rin siyang nakaka-date. Aniya, kagaya niya ay divorced din ang lalaking kanyang nakakasama kaya parang mas nagkakaintindihan umano sila. Inamin niya din na wala namang label ang kanilang relasyon ngunit aniya ay hindi naman mahalaga iyon sa kanya. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Michelle ang tungkol sa paghihiwalay nila ng dating asawa at paglipat niya ng tirahan kasama ang kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Daniel Joseph Navalta avatar

Daniel Joseph Navalta