Ivana Alawi, nagsampa ng kasong estafa; nawalan ng P4.8M
- Binahagi ni Ivana Alawi ang kanyang pagpunta sa Hall of Justice sa Taguig City
- Ito ay para magsampa ng kaso laban sa aniya'y nangbiktima sa kanya ng halagang 4.8 million pesos
- Sinampahan niya ang manufacturer na nangloko sa kanya ng kasong estafa
- Isa sa negosyo ng pamilya ni Ivana ay ang kanilang beauty products
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Binahagi ni Ivana Alawi sa kanyang Instagram story na pumunta siya sa Hall of Justice sa Taguig City. Sa panayam sa kanya ng Abante, sinabi niyang magsasampa siya ng kaso laban sa aniya'y nangbiktima sa kanya ng halagang 4.8 million pesos.
Nagsampa siya ng estafa sa aniya'y manufacturer. Sa video na binahagi ng Abante, makikita ang aktwal na pagsasampa niya ng kaso. Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang komento sa post ni Ivana kaugnay dito:
Yes mag ingat talaga. Kahit saan nagkalat na Sila. Nakasuot ng magarang damit. Naka iphone at Minsan naka upo sa matataas na upuan pinapanood Ang naghihirap na ninanakawan kaya mag ingat palagi
Mahirap din talaga magtiwala sa panahon ngayon
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hope you get justice po, mapanagot ang nang-estafa sa inyo.
Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.
Nagbahagi si Ivana ng isang quote tungkol sa pagkakaroon ng mabuting kalooban. Aniya, maaring mawala ang kagandahang panlabas ngunit ang pagkakaroon ng mabuting puso ay mananatili. Marami naman sa kanyang mga followers ang sumang-ayon sa binahagi niyang kasabihan. Isa umano si Ivana sa mga taong bukod sa mayroong kagandahang panlabas ay mayroon ding mabuting kalooban.
Binahagi ni Ivana sa vlog niya kasama ang kanyang ate na si Amira Alawi at ang kanilang mama. Sinama niya sila sa pamimili ng ukay-ukay na damit at dapat ay hindi sila lumagpas sa kanilang budget na tig P1,000 kada isa. Binigay naman ni Ivana ang pagpapasya sa mga viewers ng vlog niya para matukoy kung sino ang may pinakamagandang napamili sa kanilang tatlo. Ani Ivana, makakatanggap ng P50,000 ang mananalo sa kanilang "Ukay Shopping Challenge."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh