Vice Ganda, binati si Toni Gonzaga sa ginanap na MMFF Parade of Stars

Vice Ganda, binati si Toni Gonzaga sa ginanap na MMFF Parade of Stars

- Umakyat si Vice Ganda sa float ng "My Teacher" para batiin si Toni Gonzaga

- Masaya naman siyang sinalubong ni Toni at nagkayakapan pa ang dalawa

- Kabilang din ang pelikula ni Vice Ganda na "Partners in Crime" kasama si Ivana Alawi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ang ilan pang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival ay Deleter, Family Matters, Partners In Crime, Nanahimik Ang Gabi, Labyu with an Accent, Mamasapano: Now It Can Be Told, My Father, Myself at My Teacher

Umakyat si Vice Ganda sa float ng "My Teacher" para batiin si Toni Gonzaga. Nagkayakapan pa ang dalawa sa kanilang pagkikita sa ginanap na Metro Manila Film Festival 2022 parade of stars.

Vice Ganda, binati si Toni Gonzaga sa ginanap na MMFF Parade of Stars
Vice Ganda, binati si Toni Gonzaga sa ginanap na MMFF Parade of Stars (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Kabilang din ang pelikula ni Vice Ganda na Partners in Crime kasama si Ivana Alawi. Sa ginanap na parada, kompleto ang walong pelikula sa kani-kanilang mga float para makilahok sa parada na nakasanayan nang ginagawa tuwing Disyembre.

Read also

Bea Alonzo, pinakita ang kanyang condo na pinagawa niyang office

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Martyr o Murderer teaser, ibinahagi na ng Vincentiments

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate