Vice Ganda, nagpahayag umano'y pagbabalik ni Vhong Navarro: "Isahang sagot na lang"

Vice Ganda, nagpahayag umano'y pagbabalik ni Vhong Navarro: "Isahang sagot na lang"

- Tila nagbigay pahiwatig si Vice Ganda sa umano'y pagbabalik ni Vhong Navarro sa It's Showtime

- Nabanggit niyang sa tuwing siya ay may press conference, hindi nawawala ang tanong kung kailan umano babalik ang It's Showtime hoat

- Matatandaang minsan namang naibalita na ni Cristy Fermin na hindi pa muna makababalik si Vhong sa kanilang noontime show

- Noong Setyembre, muling napiit si Vhong ng halos tatlong buwan sa kasong isinampa sa kanya umano ni Denbiece Cornejo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Vice Ganda ang inaabangan ng lahat na pagbabalik ni Vhong Navarro sa kanilang noontime show na It's Showtime.

Vice Ganda, nagpahayag umano'y pagbabalik ni Vhong Navarro: "Isahang sagot na lang"
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa segment na 'Girl on Fire' ng nasabing programa, binati ni Vice si Vhong na nanonood umano sa kanila.

"Si Vhong nanonood, Hi Vhong! Gusto niyo bang malaman kung kailan babalik si Vhong?" ani Vice.

Maging sa mga presscon na dinadaluhan niya kamakailan para sa pelikula nila ni Ivana ALawi na Partner's in Crime, natatanong pa rin umano si Vhong ng pagbabalik Showtime ni Vhong.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Sa lahat ng nagtatanong sa'kin kailan babalik si Vhong, isang sagutan na lang... una, hindi po ako ang manager ni Vhong so hindi ako ang magde-decide kung kailan siya babalik. Pangalawa, pagpaphingahin po muna natin siya. Pangatlo, babalik siya!" paliwanag ni VIce.

Gayunpaman, siniguro niyang makakapiling pa muli nila si Vhong sa kanilang programa.

"Babalik siya. He promised to come back" ayon kay Vice.

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Vice mula sa ABS-CBN Entertainment Youtube channel:

Disyembre 6 ang pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro matapos na payagang makapagpiyansa ito ng halagang Php1 million. Ayon sa paliwanag ni Cristy Fermin, ang paglayang ito ni Vhong ay nangangahulugang maari na itong makabalik sa trabaho.

Hindi na rin daw ito kailangang dakpin pa muli basta't sisiguraduhin nitong dadalo ng maayos sa bawat hearing ng kanyang kaso.

Naging emosyonal ang mga anak ni Vhong sa pag-uwi nito. Ayon pa kay Ogie Diaz, halos hindi na bitiwan si Vhong ng mga anak na nagkaroon 'di umano ng anxiety dahil sa pagkakakulong ng ama.

Maging si Billy Crawford na naging malapit na kaibigan ni Vhong sa It's Showtime noon ay nakausap at nakumusta na siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel