Vhong Navarro, hindi pa muna makababalik sa "It's Showtime" ani Cristy Fermin

Vhong Navarro, hindi pa muna makababalik sa "It's Showtime" ani Cristy Fermin

- Hindi pa raw muna makababalik sa 'It's Showtime' si Vhong Navarro ani Cristy Fermin

- Napag-usapan na rin daw ito ng mga abogado ng aktor na minabuting magpahinga muna at ilaan ang oras sa mga mahal sa buhay

- Ani Cristy, tila tinitimpla rin ni Vhong ang sarili lalo na at nasa tatlong buwan din itong naluklok sa piitan

- May posibilidad na sa pag-uumpisa ng taong 2023, maaring mapanood na muli si Vhong sa kinabibilangang noontime show

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Taliwas sa inaasahan ng marami, hindi pa raw makababalik si Vhong Navarro sa It's Showtime ani Cristy Fermin.

Vhong Navarro, hindi pa muna makababalik sa It's Showtime ani Cristy Fermin
Si Vhong kasama ang kanyang It's Showtime family (@vhongx44)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na hindi pa ito mangyayari sa pagtatapos ng taong 2022 lalo na at minabuti ni Vhong na ilaan ang kanyang oras sa pagpapahinga kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Read also

RR Enriquez, pinayuhan ang volleyball team na umano'y nang-isnab sa kanilang mga fans

"Ayon sa kanyang mga abogado, bibigyan na muna ng pagkakataon si Vhong na makasama ang kanyang pamilya, ang kanyang asawa ang kanyang mga anak, ins st kspsmilya. Kahit sa atin naman po nangyari ito, hindi naman po tayo makina na kapag nilagay mo sa A, A sa B, B. Tayo po aanuhin muna natin ang sarili natin, titimplahin muna natin kung kaya na ba natin," ani Cristy.

"Alangan namang kulang na tatlong buwan kang iyak nang iyak sa piitan,tapos sa isang iglap, isasalang ka tatawa ka nalang ng tatawa. hindi naman po ganun," dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sinasabing may posibilidad na early next year, mapapanood na muli siya sa It's Showtime.

Narito ang kabuuang ulat mula sa YouTube channel na Showbiz Now na!:

Disyembre 6 ang pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro matapos na payagang makapagpiyansa ito ng halagang Php1 million. Ayon sa paliwanag ni Cristy Fermin, ang paglayang ito ni Vhong ay nangangahulugang maari na itong makabalik sa trabaho.

Read also

Ogie Diaz, may payo kay Marco Alcaraz matapos na umano'y ma-bash sa kanyang song number

Hindi na rin daw ito kailangang dakpin pa muli basta't sisiguraduhin nitong dadalo ng maayos sa bawat hearing ng kanyang kaso.

Naging emosyonal ang mga anak ni Vhong sa pag-uwi nito. Ayon pa kay Ogie Diaz, halos hindi na bitiwan si Vhong ng mga anak na nagkaroon 'di umano ng anxiety dahil sa pagkakakulong ng ama.

Maging si Billy Crawford na naging malapit na kaibigan ni Vhong sa It's Showtime noon ay nakausap at nakumusta na siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel