Vhong Navarro, sa Pebrero 2023 pa makababalik sa It's Showtime ani Cristy

Vhong Navarro, sa Pebrero 2023 pa makababalik sa It's Showtime ani Cristy

- Sa Pebrero 2023 pa umano makababalik sa It's Showtime si Vhong Navarro ani Cristy Fermin

- Ito ay matapos siyang pansamantalang makalaya nang makapagpiyansa sa reklamong isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo

- Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na, nasabi ni Cristy na nagpapahinga pa rin si Vhong ang inilalaan muna ng oras sa pamilya sa ngayon

- Matatadaang Setyembre nang muli itong mapiit sa mga reklamo sa kanya ni Cornejo, walong buwan na ang nakalilipas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Patuloy pa rin ang pagpapahinga si Vhong Navarro na pansamantalang nakalaya mula nang makapagpiyansa sa reklamong isinampa sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo.

Vhong Navarro, sa Pebrero 2023 pa makababalik sa It's Showtime ani Cristy
Vhong Navarro (@vhongx44)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI matapos ang nasa dalawang buwan ng pagkakapiit, nakalaya ang aktor na agad na sinalubong ng kanyang mga mahal sa buhay.

Ayon kay Cristy Fermin sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! hindi pa rin umano makababalik si Vhong sa It's Showtime.

Read also

Doc Willie Ong, ipinaliwanag sinasabing sanhi ng pagkamatay ni Jovit

Sinasabing sa Pebrero sa susunod na taon na ang pinakamaagang pagkakataon na makababalik ito sa kinabibilangang noontime show.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang nag-aabang sa pagbabalik ni Vhong lalo na at isa na siya sa maituturing na haligi ng nasabing programa.

Samantala, naniniwala naman umano sina Cristy na tila papabor kay Vhong ang kaso sa kanya gayung nakapagpiyansa na ito at ngayo'y nakalabas na ng piitan.

Umaasa ang marami na lalabas ang katotohanan at magiging maayos ang sistema sa pagtatapos ng kasong ito na gumulantang sa publiko nasa walong taon na ang nakalilipas.

Disyembre 6 ang pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro matapos na payagang makapagpiyansa ito ng halagang Php1 million. Ayon sa paliwanag ni Cristy Fermin, ang paglayang ito ni Vhong ay nangangahulugang maari na itong makabalik sa trabaho. Hindi na rin daw ito kailangang dakpin pa muli basta't sisiguraduhin nitong dadalo ng maayos sa bawat hearing ng kanyang kaso.

Read also

Billy Crawford, nakausap na ang kanyang 'Kuys' Vhong Navarro

Naging emosyonal ang mga anak ni Vhong sa pag-uwi nito. Ayon pa kay Ogie Diaz, halos hindi na bitiwan si Vhong ng mga anak na nagkaroon 'di umano ng anxiety dahil sa pagkakakulong ng ama.

Maging si Billy Crawford na naging malapit na kaibigan ni Vhong sa It's Showtime noon ay nakausap at nakumusta na siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel